• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos nangako ng pantay na sahod sa government, private nurses

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng pantay na sahod ang mga nurse sa pampubliko at pribadong ospital.

 

 

“As part of our goal to raise the profile and improve the working condition of nurses, we seek to address the disparity in salaries between nurses in government hospitals with those in the private sector,” pahayag ng Pangulo sa 65th Nurses Week at 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA) na ginanap sa Manila Hotel.

 

 

Nabatid na ang mga nurse sa gobyerno ay kumikita ng P30,000 hanggang P40,000 kada buwan habang P8,000 hanggang P20,000 lang umano ang sahod ng mga nurse sa private.

 

 

Kinilala rin ng Pangulo ang naging ambag ng mga Pinoy nurse na pinaganda ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo dahil sa kanilang serbisyo at pag-asikaso sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID noong panahon ng pandemya.

 

 

Muling binanggit ni Marcos na noong tinamaan siya ng COVID-19 noong 2020 ay gumaling siya at iba pang pasyente na dinapuan din ng virus dahil sa mahusay na pangangalaga ng mga nurse.

 

 

Bukas din ang Pangulo na dagdagan ang quota sa deployment ng mga Pinoy nurses na nais magtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Sa ngayon ay 7,500 ang limitasyon sa bilang ng Pilipino nurses na maaaring lumabas ng bansa kada taon upang doon magtrabaho.

 

 

Aminado si Marcos na kulang pa ang P25.82 bilyon halaga ng benefits na ibinigay ng gobyerno sa mga nurses.

 

 

Dapat aniya ay isama sa kasalukuyang benepisyo ang hazard duty pay, COVID-19 sickness at death compensation, meals, accommodation at transportation allowances, life insurance, Special Risk Allowance (SRA) at COVID-19 allowance. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 9, 2023

  • SEA A WHOLE NEW WORLD WITH DREAMWORKS’ NEW YOUNG HERO “RUBY GILLMAN, TEENAGE KRAKEN” TO MAKE WAVES IN LOCAL CINEMAS

    DreamWorks’ latest coming-of-age YA movie “Ruby Gillman, Teenage Kraken” starring Lana Condor (from To All The Boys I’ve Loved Before franchise) in the titular role is about to make a big splash in cinemas nationwide starting June 28.        “Ruby Gillman, Teenage Kraken” dives into the turbulent waters of high school with a […]

  • LTFRB: Muling pinagpatuloy libreng sakay sa mga PUVs

    Pinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pinagpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga frontliners at medical workers na sasakay sa mga PUVs dahil sa tuloy na ulit ang programa sa service contracting (SCP) ng pamahalaan.       Mayron P3 billion na alokasyong pondo sa 2021 General Appropriations […]