Marcos, pinag-aaralan ang 5-year term para sa mga opisyal ng barangay
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
MASUSING pinag-aaralan ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang gawing limang taon ang tatlong taon na termino ng mga opisyal ng barangay.
Sinabi ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, pinag-aaralan na ng administrasyong Marcos ang batas na mag-aamyenda sa termino ng mga barangay officials, kabilang na ang pagpapalawig sa term of office ng kapitan ng barangay.
“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” ayon kay Rodriguez bilang tugon sa tanong kung tuloy ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.
“But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law and making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” dagdag na pahayag ni Rodriguez.
Base sa kanyang naging karanasan bilang dating kapitan ng barangay, sinabi ni Rodriguez na ang pag-amiyenda sa kasalukuyang termino at gawing limang taon na limitado sa tatlong termino ay makapagpapahusay sa pamamahala sa barangay kumpara sa kasalukuyang ginagawa ng patuloy na pagpapalawig sa pamamagitan ng pagpapaliban sa halalan sa barangay.
“For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years ‘yan kaysa extension, extension, extension, and extension because we are working against the spirit of our law, the bible of the Local Government Units – the 1992 Local Government Code,” anito.
“So instead of violating the spirit of the law, we might as well extend natin siguro ‘yan and provide stability in your leadership, provide stability in governance,” ayon pa rin kay Rodriguez.
Noong 2019, tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11462 para ipagpaliban ang May 2022 BSKE sa Disyembre 2022. Ang huling BSKE ay idinaos noong Mayo 2018, na dalawang ulit na naipagpaliban.
Sinabi rin ni Rodriguez na magbibigay ito ng mas mataas na antas ng pananagutan, lalo na sa Mandanas-Garcia ruling na itinakda para sa pagpapatupad ngayong taon na magbibigay ng karagdagang pondo sa local government units (LGUs) hanggang sa mga barangay.
Sa ngayon , ang IRA ng LGU ay nagmumula sa 40% ng pambansang buwis sa panloob na kita na kinokolekta ng BIR.
Sa pagpapatupad ng ruling ng Mandanas-Garcia ngayong taon, inaasahang magkakaroon ng 27.61% na pagtaas ang mga LGU sa kabuuang bahagi ng IRA.
Matatandaang, sa panahon ng kampanya, sinabi ni Marcos ang kanyang intensyon na isama sa kanilang mga priority bill, ang mga hakbang sa pag-amyenda sa mga batas na namamahala sa barangay tulad ng kanyang panukala noong siya ay senador na palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay mula tatlo hanggang limang taon.
“Pag sindundan natin strictly ang Local Government Code (LGC), tayo ay magkakaroon ng halalan, national elections, mid-term elections, merong SK elections, at merong pang barangay elections, kada taon,” giit ni Rodriguez.
“Alam naman natin na kapag puro eleksyon ang ating ginagawa ay hindi natin matatapos ang gusto nating tapusin na trabaho. Palitan na lang natin ang term ng mga barangay officials at gawin na nating five years, two terms,” ang pahayag ni Marcos sa isa sa kanyang mga kampanya. (Daris Jose)
-
DEREK, pinasalamatan ni ELLEN at sinabing ‘man of her dreams, affirmations and prayers’
NOONG Martes Santo nag-propose na nga ang Kapuso actor sa kanyang three-month girlfriend na si Ellen Adarna. Ginulat nga ni Ellen ang showbiz industry sa IG post niya ng mga pictures na kinunan habang nagpo-propose si Derek. May caption ito ng, “Game over!” lang ang iniligay na caption ng aktres […]
-
2 drug suspects kulong sa P360K shabu sa Navotas
NASAMSAM sa dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Wawie, 26, at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod. Sa kanyang […]
-
‘Walang nabuhay’: 4 na pasahero ng Cessna crash sa Albay natagpuang patay
HINDI nakaligtas ang ni isa sa mga pasahero ng maliit na eroplanong bumagsak malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon matapos silang matagpuang walang buhay, ayon sa isang local official nitong Huwebes. Kasama sa apat na pasahero ng naturang Cessna 340 aircraft ang dalawang Australyano nang mawala ito nitong Sabado matapos lumipad mula sa […]