MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood sa mga TV programs ngayon.
Bea shared the video of the ad on Instagram, followed by some behind the scene videos kuha on green screen.
Caption ni Bea: “I am so kilig to be in one frame with Captain Ri!” followed by the hashtag #fangirling.
Hindi nakaligtas sa new friend niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang post niya at comment nito: “Awww!” followed by a heart emoji.
Mukhang nainggit si Marian kay Bea dahil kay Hyun Bin.
***
DAHIL nahihilig nga si Marian Rivera ngayong manood ng K-dramas, iyon kaya ang dahilan kaya isang Korean puppy ang alaga ngayon ng Dantes Squad?
Sa Korea isinilang ang puppy, kaya naman nag-travel pa siya papuntang Pilipinas. Instagram post ni Marian: “Meet Johnny, our new furry baby at home! Ate Z and Six loves him so much already. Thank you @puppyclub_ph @puppylab_ for bringing him home safely to us all the way from Korea.”
‘Johnny’ ang ipinangalan ni Marian sa puppy, dahil kaya iyon ang pangalan ni Dingdong sa katatapos na ni-replay na Philippine adaptation ng K-drama na Endless Love, na ginampanan nilang mag-asawa?
Kuwento nga ni Marian ay muli niyang pinanood ang serye nang i-replay ng GMA-7 a few weeks ago.
***
SINUSUBAYBAYAN araw-araw ang weather report ni Nathaniel Cruz na mas kilalang si “Mang Tani,” sa mga news program ng GMA Network.
Kaya naman nang mabalitang lilipat sa GMA si Kuya Kim Atienza, ang daming supporters ni Mang Tani ang nag-post sa social media na bumalik na raw ang weather forecaster, na kasalukuyan nagbabakasyon sa Australia dahil naroon ang kanyang pamilya.
Mabilis namang sumagot si Kuya Kim na, “hindi totoo na papalitan ko si Mang Tani in the program’s weather portion. On the other hand, I will be there to support him. Hindi naman ako papayag kung ang pagpasok ko sa top-rating newscast would mean another person’s loss of opportunity. But GMA’S offer is too good to pass up “for someone my age.”
Thankful si Kuya Kim dahil 3-program package ang in-offer sa kanya ng GMA. Isa rito ang daily morning show na Mars Pa More with Camille Prats and Iya Villania-Arellano, his very own daily entertainment trivia show to air as pre-programming ng 24 Oras.
He also liked that GMA is lining him up in shows that are in line with his equity as Kuya Kim, na ilang taon din niyang ginawa sa ABS-CBN.
“I feel so valued by GMA, and it feels so good,” sabi ng bagong Kapuso.
Happy si Kuya Kim dahil may news at entertainment sa mga shows na gagawin niya sa GMA Network.
(NORA V. CALDERON)
-
Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM
WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan. ”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our […]
-
2 tricycle driver naaktuhan nag-aabutan ng droga sa Valenzuela
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang tricycle driver na sangkot umano sa ilegal na droga matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Anthony Delupio “Tonet”, 36, tricycle driver ng […]
-
Highlights ng intimate ceremony ibinahagi ni Marco: JASON, ikinasal na kay VICKIE after mag-propose last year
KINASAL na sina Jason Abalos at Vickie Rushton noong September 1. Si Jason, na kasalukuyang umuupong provincial board member in Nueva Ecija ay nag-propose kay Vickie noong September 2021. Ang kaibigan ni Jason na si Marco Alcaraz ay nag-share ng ilang highlights sa intimate ceremony ng newly-weds sa kanyang Instagram account. […]