MARIAN, pinagtawanan lang na ‘buntis’ dahil wala pang balak na sundan si SIXTO; ZIA, gusto talagang mag-endorse ng ‘WalterMart’
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
SA muling pagri-renew ng contract ni GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa WalterMart Supermarket bilang endorser ay kasama na ngayon ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.
Pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang TVC na may caption na, “Hi WalterMart Community! Hindi lang ako ang na-inlove sa WalterMart, pati na rin si ate Z! “Here’s our newest TVC. #iLoveWalterMartEveryday @waltermartsupermarket @raetristan”
Sa mediacon na ginanap noong hapon ng February 9, sinagot ni Marian kung bakit kasama na niya ngayon si Zia sa TVC at campaign ng WalterMart.
“Walang dahilan o salita na hindi ko papayagan si Zia na makasama sa WalterMart,” panimula ni Yan.
“Lalo na, as family na ang turing namin sa isa’t-isa. Specially Ms. Joan (of WalterMart) nasabi ko talaga na very thankful ako na nakilala ko siya sa buhay ko.
“Hindi dahil bilang endorser, kundi tinuturing na kapamilya na talaga namin. In times, na kailangan namin nandyan talaga ang WalterMart para sa amin.”
Of course, tinanong din ni Marian ang anak na si Zia tungkol sa bago nilang endorsement na mag-ina.
“’Yes, mama, I want to do that’, sabi niya. So, mas maganda rin na may freedom yun anak ko na sabihin kung gusto niya o ayaw niya. Specially ngayon sobrang busy sa pag-aaral niya.
“So, tinanong ko siya dito, sabi niya, ‘mom, I like it!’ Kita n’yo naman mas magaling pa sa akin na mag-heart sign,” masaya pa niyang kuwento at umaming sa bahay lang sila nag-shoot.
Samantala, pinagtawanan lang ni Marian ang isyung siya naman ang buntis ngayon, pagkatapos ng nakaka-stress na isyu na dinedma lang nilang mag-asawa.
Pero false alarm ang balita dahil hindi totoong magsusundan na ang bunso nilang si Sixto na magtu-two years pa lang sa April 16.
“Oh well, sabi ko nga, hindi naman ikaw, e. Kahit anong gawin ninyo, kung hindi naman ibibigay ng Panginoon sa inyo, wala naman kayong magagawa,” sagot niya.
“Pero kapag sinabi Niyang this time, ibibigay sa ‘yo, why not, hindi ba?
“Pero sa ngayon, marami pang pagkakataon na pwede naming gawin. Ang dami pang trabahong kailangang gawin.
“Si Sixto, wala pang two years old. So, hintayin ko muna yun. ‘Tapos si Zia, sobrang busy pa namin sa school.
“Pero kung ibibigay, bakit hindi? Yan ay napakalaking biyaya, why not?”
Anyway, hindi lang si Marian ang na-inlove sa WalterMart, pati na rin si Zia. Dahil sa WalterMart may Everyday Fresh, Choice & Savings! Whether in-store or online!
Papasayahin lalo ang shopping with Marian’s special FREE delivery code: WMMARIAN when you go shopping at www.waltermartdelivery.com.ph!
Ang promo ay nagsimula noong February 9 at matatapos sa February 28, 2021! (ROHN ROMULO)
-
33 manggagawa mula sa sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Pasay, balik-Tsina na
MAY 33 empleyado ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Pasay City ang itinapon na pabalik ng Tsina, araw ng Huwebes. Ang mga manggagawa na dineport pabalik ng Tsina ay mula sa Smart Web Technology sa Pasay City, kung saan natuklasan ang torture chamber matapos itong salakayin noong 2023, […]
-
Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos
HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration. Si Marcos, nakatakdang manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30, ay pinangalanan sina outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello […]
-
LTO, nagsagawa nng training program para palakasin ang rules and regulations sa kalsada
NAGSAGAWA ang Land Transportation Office (LTO) ng isang pagsasanay para sa mga pangunahing opisyal ng law enforcement personnel ng ahensiya sa buong bansa upang higit pang palakasin ang pagpapatupad ng mga alituntunin at regulasyon sa kaligtasan sa kalsada. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II layunin ng katatapos na […]