MARIAN RIVERA, hindi man makagawa ng teleserye dahil ayaw niyang umalis sa bahay at iwanan ang mga anak na sina Zia at Ziggy
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Nakakatuwa ang Instagram post ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang bumisita sa taping ng “Daddy’s Gurl” ng M-Zet Productions na pag-aari ng ama niyang si Vic Sotto sa Rainforest AdVenture Experience Park. Simula nang payagang mag-taping na nang live ang sitcom na nagtatampok kina Vic at phenomenal star Maine Mendoza, doon na nila ito ginagawa para mahangin at hindi tulad sa studio na aircon.
Pero pinansin ng mga netizens ang post ni Mayor Vico na “binisita ko sila para maningil ng fees.” (with peace sign emoji)
Kasama sa cast ang brother niyang si Oyo Sotto kaya sabi pa ni Mayor Vico: “first time to see Kuya Oyo since March!!!
“Actually, nung una nahihiya yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa ‘yun. Pero nung nalaman ko ito, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila…”
Ang “Daddy’s Gurl” ay napapanood tuwing Saturday evening, after ng “Magpakailanman.”
*****
Congratulations kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, pasok kasi siya sa list ng 100 Digital Stars ng Forbes Asia, kasama ang ilang international stars tulad ng BLACKPINK at BTS, at sina Rebel Wilson, Hugh Jackman, Twice, Lee Min-Ho, Chris Hemsworth, at marami pang iba na nagsilbing magandang ehemplo sa social media sa gitna ng Covid-19 pandemic. May 23 million followers na si Marian sa Faceboook at 10 million naman sa Instagram.
Labis ang pasasalamat ni Marian sa kanyang mga social media followers na tiyak na tataas pa ngayon dahil may bago siyang business venture, na ii-expand niya ang flower business niyang Flora Vida, sa Flora Vida Home na pwedeng mag-order ng gusto ninyong home furnishings at pagpapagawa ng mga furnitures, dahil matagal na niyang pinag-isipan ang business na ito. In fact, ready na siyang igawa kayo ng mga home furnitures dahil may mga pamilya na sa Paete, Laguna na gagawa nito. Kahit ang kanyang mga telang gagamitin sa ipagagawa niyang furnitures ay na-order na ni Marian sa Europe kung saan doon siya na-inspire na pumasok sa furniture business, nang minsang bumisita sila roon ng husband niyang si Dingdong Dantes.
Sa ngayon, hindi man makagawa ng teleserye si Marian dahil ayaw niyang umalis sa bahay at iwanan ang mga anak na sina Zia at Ziggy, thankful naman siya sa GMA Network dahil pinayagan siyang sa bahay nila gawin ang taping ng mga spiels ng mga bagong episodes ng OFW documentary na “Tadhana” at si Dingdong ang nagdidirek sa kanya.
*****
Marami nang mga sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime na “Magkaagaw,” ang excited na sa nalalapit na pagbabalik ng serye na nagtatampok kina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda and Jeric Gonzales.
Lalong na-excite ang mga netizens nang ipasilip na nila ang mga behind-the-scenes photos nina Sheryl at Jeric mula sa kanilang lock-in taping. Ayon kay Sheryl, maingat sila sa paghahanda ng ilang maiinit na eksena sa serye. “in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA-7, they stayed true naman to the plot of Magkaagaw, at sa totoo lang mas naging daring, kaya dapat nila itong abangan.” (Nora V. Calderon)
-
Osaka pasok na sa 2nd round ng French Open
Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Naomi Osaka. Tinalo kasi nito si world number 63 Patricia Maria Tig ng Romania sa score na 6-4, 7-6 (7/4). Magugunitang bago magsimula ang torneo ay sinabi ng Japanese tennis star na hindi ito magbibigay ng anumang pahayag pagkatapos ng laro dahil […]
-
Diesel, posibleng tumaas ng higit P1 sa susunod na linggo
NAGTAPOS ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa asahan naman ang oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy. Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. […]
-
PBBM pinahinto ang pagbabayad ng amortization ng mga benepisaryo ng Agrarian Reform
NILAGDAAN ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortization at ng interes ng agrarian reform beneficiaries. Para ito sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ayon sa Pangulo, ang isang taong […]