• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARIO MAURER, sanib-puwersa sa dalawa pang Thai actors na sina NONKUL CHANON at GULF KANAWUT bilang newest TNT ambassadors

TIYAK na maraming Pinoy Fans ang matutuwa sa pagsasanib-puwersa ng tatlong Thai actors na kanilang sinusubaybayan at hinahangaan.

 

 

Makakasama nga ng Thai Box Office Superstar na si Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) bilang pinakabagong ambassadors ng TNT.

 

 

Ang Thai trio ang magiging headliner ng biggest summer campaign ng TNT na “Kilig Saya” kasama si Sue Ramirez at ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

 

Ayon kay Jane Basas (SVP and Head of Consumer Wireless Business ng Smart), Filipinos and Thais have always had mutual appreciation for each other’s wealth of entertainment content, but we’ve seen this grow even bigger recently as more Filipinos enjoy easy access to streaming platforms and social media.

 

 

Simula pa 2007, Thai dramas and films have dominated the Southeast Asian scene almost to the same level as K-Pop and Japanese cultures. There are even Thai idols now making waves as K-Pop performers globally.

 

 

At dahil sa tagumpay na ito umabot na rin ang Thai Invasion (ang terminong ginagamit to describe the phenomenon of Thailand’s growing prominence in the international pop culture scene) sa Pilipinas.

 

 

Si Nonkul Chanon ay nakilala sa Bad Genius, na naging highest-grossing Thai film of 2017. Overseas, na-break nito ang Thai film earning records in several Asian countries, at hinirang ito na isa sa most internationally successful Thai films ever.

 

 

Sumikat naman si Gulf Kanawut sa highly successful TharnType The Series, na adaptation ng popular Thai web novel. With Gulf’s growing popularity, he has appeared in various magazine covers in Thailand as well as performed in solo concerts.

 

 

Sa lahat ng Thai celebrities, si Mario Maurer nga ang tinuturing na most popular Thai actor dahil sa massive fan base hindi lang sa Pilipinas pati sa Southeast Asia.

 

 

Una siyang nakilala at hinangaan sa 2007 film Love of Siam at sa 2010 sleeper hit Crazy Little Thing Called Love. Bumida rin si Mario sa highest grossing film of all time ng Thailand, ang Pee Mak, na kumita nang higit sa U$33 million in both domestic and international box office receipts.

 

 

“TNT’s passion is to bring the youth together through fun and happiness. We recognize their remarkable spirit and perseverance to overcome all odds, wo we’re very excited to showcase how they find joy even in the hardest of circumstances in our newest campaign featuring the Thai superstars they admire,” pahayag naman ni Miriam Z. Choa, FVP and Head of Prepaid Marketing at Smart.

 

 

Stay tuned lang sa paglabas ng TNT’s “Kilig Saya” campaign by following TNT on Facebook (www.fb.com/TNTph), Twitter via the hashtag #TNTKiligSaya and Instagram (@tntph).

 

 

Abangan din ang bonggang online event ng TNT na ‘TNTCON2021’ na magaganap sa May 11. (ROHN ROMULO)

Other News
  • After 18 years, legal na ang kanilang pagsasama: TROY at AUBREY, mas pinili ang ‘civil wedding’ kesa magpa-bongga

    LEGAL na ang pagsasama nina Troy Montero at Aubrey Miles.       Though meron na silang mga anak at labing-walong taon na silang magkarelasyon at magkasama, it was only last June 9 nang gawin na nga nilang legal ang kanilang pagiging partner.       Legally Mrs. Montero na si Aubrey. At sa halip […]

  • COVID-19 cases papalo ng 1-milyon- OCTA Research

    Hindi malabong sumipa sa higit 1-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.     Ito ang sinabi ng independent group na OCTA Research sa kanilang pinakabagong report.     “Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa […]

  • Pangulong Duterte, kinilala ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor day message

    KINILALA at pinapurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng manggagawa sa kanyang huling Labor day message bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30.     Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ng Pangulong Duterte na patulong pa ring kinahaharap ng mga manggagawa.     Ayon pa sa presidente, kahit patapos […]