Mas mabilis at maliksi ako kay Spence- Pacquiao
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
Matinding kalaban si Errol Spence Jr. na may bitbit na dalawang korona – ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles.
Mas bata rin ang 31-anyos na si Spence kumpara sa 42-anyos na eight-division world champion Manny Pacquiao.
Ngunit hindi ito hadlang para kay Pacquiao.
Sa halip, ipinagmalaki nito na ‘di hamak na mas mabilis at mas mabagsik ang kanyang kamao kumpara kay Spence.
Bukod pa rito ang malalim na karanasan ni Pacquiao na nahubog sa mahigit dalawang dekada nito sa industriya.
“I’m faster and stronger than him,” ani Pacquiao sa panayam ng The Athletic.
May halos dalawang taon na natengga si Pacquiao dahil sa pandemya kung saan huli itong sumalang sa aksyon noong 2019 matapos agawin ang korona ni World Boxing Association (WBA) welterweight Keith Thurman via split decision.
Subalit hindi uso sa kanya ang pangangalawang.
Sa katunayan, magandang pagkakataon pa ang mahabang pahinga upang makarekober ang kanyang katawan.
Selyado na ang Pacquiao-Spence blockbuster fight sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).
Puntirya itong idaos sa bagong gawang Allegiant Stadium sa Las Vegas, Nevada na may 65,000 seating capacity.
Para kay Pacquiao, si Spence ang perpektong kalaban. Hindi basta-basta lumalaban si Pacquiao sa mga pipitsuging boxers.
Maliban sa dalawang korona na hawak ni Spence, kasalukuyang malinis ang rekord nito tangan ang 27-0 win-loss card tampok ang 21 knockouts.
Kaya naman asahan ang matinding bakbakan sa oras na magkrus ang landas ng dalawang matitikas na boxers sa isang blockbuster match na ngayon pa lang ay itinuturing na agad na magiging Fight of the Year.
-
Ads September 10, 2020
-
Kouame naka-focus ngayon sa pagsali sa 2023 FIBA World Cup
Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame. Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization. Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas […]
-
Pilipinas ‘top 5 sa mundo’ pagdating sa batang wala ni isang bakuna — UNICEF
AABOT sa 1 milyong bata ang hindi pa nakakakuha ng kahit ni isang dose ng anumang “childhood vaccine” sa Pilipinas, dahilan para mapasama ang bansa sa may pinakamaraming bilang ng zero dose children sa buong mundo. Isiniwalat ng (United Nations International Children’s Emergency Fund) Philippines na top 5 contributor ang Pilipinas sa 18 milyong […]