• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas madaling medical access sa mga buntis, isinulong

KAILANGANG maglaan ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,

 

 

Reaksyon ito ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes matapos mapansin ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines na nasa 6-7 pinay ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak dala na rin sa kakulangan ng access sa health services.

 

 

“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth. Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” ayon kay UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane sa isang press release.

 

 

Ang kanyang pahayag ay base sa Philippine Statistics Authority (PSA) data, kung saan ipinapakita na 2,478 babae ang namatay dahil sa maternal causes noong 2021, mula 1,458  noong 2019.

 

 

Nabatid din ng UNFPA na 14% ng buntis ang hindi sumasailalim sa regular check-ups at iba pang kinakailangang medical care tuwing nagbubuntis at isa sa bawat 10 kababaihan ang hindi nanganganak sa health facilities o nakatanggap ng assistance mula sa skilled healthcare personnel tuwing nanganganak.

 

 

“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” anang mambabatas.

 

 

Idinagdag nito na mahalaga na inilalapit ang serbisyo sa kanila (Ara Romero)

Other News
  • Sigaw ng mga fans ibalik si Baldwin!

    GUSTO ng mga fans na ibalik ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Tab Baldwin bilang head coach ng Gilas Pilipinas.     Sa laban ng Gilas Pilipinas at New Zealand noong Linggo sa FIBA World Cup Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum, ilang fans ang sumigaw para ibalik si Baldwin.     Mayroong […]

  • China, muling pinagtibay ang commitment sa joint oil, gas development sa Pinas

    HINDI nagbabago ang posisyon ng China sa joint development ng oil at gas sa Pilipinas.     Nagpalabas ang Chinese Embassy ng kalatas bilang tugon sa suhestiyon ni dating Energy undersectary Eduardo Mañalac para sa isang independent oil at gas exploration ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).     “Our position on joint development […]

  • Parehong pasok ang movie nila sa ’50th MMFF’: ARJO, tumindig talaga ang balahibo nang malamang makakasama si JUDY ANN sa ‘The Bagman’

    SA Amerika na naka-base ang sikat na OPM singer na si Ella May Saison.     Kuwento niya, “I live with my 2 dogs, I live there peacefully, my life there is so simple, sa Dallas Texas.     “Gusto ko yung life na ganun, nakakapag-contemplate ako, nakakagawa ako ng songs, nakakapag-isip ako ng mga […]