Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal
- Published on November 16, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito kaninang umaga.
Pinondohan ng Department of Health sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (DOH-HFEP) ang dalawang palapag na gusali na may tinatayang halaga na P49 milyon, para sa lawak na 684 square meters sa unang palapag at 612 square meters sa ikalawang palapag.
Sinabi naman ni Provincial Health Officer II Dra. Hjordis Marushka Celis na bukas ang bagong outpatient department mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 N.U. hanggang 5:00 N.H. na may kapasidad na tumanggap ng 300 hanggang 400 na pasyente bawat araw at tuwing Sabado mula 8:00 N.U. hanggang 12:00 N.H. upang maghatid ng serbisyo na limitado sa internal medicine at pagtatanggal ng tahi.
Pamamahalaan ang bawat pasilidad sa OPD ng mga section at department heads ng BMC kabilang na ang Family Planning, OB-Gyne, Surgery Department, Treatment/Excision, Laboratory, X-Ray Room, Medical Department, Psyche/EENT, IPCC/HESU, Animal Bite Training Center, Dental Clinic, Pedia/Under 5 Clinic, Sub-Specialty Area at Pediatric Department.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fernando ang pasasalamat sa DOH sa pagbibigay sa lalawigan ng bagong gusaling pang-medikal.
“Mayroon na naman tayong gusali na ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay makapagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan, lalo’t higit ‘yung mga mahihirap na tao na walang sapat na pera at sa atin lumalapit para humingi ng tulong,” anang gobernador.
Mahigpit din niyang pinaalalahanan ang mga kawani na gampanan ang kanilang mga tungkulin ng may integridad at paglingkuran ang mga Bulakenyong nangangailangan ng may pagmamalasakit at pang-unawa.
Inanunsiyo rin niya na ang dating outpatient department sa BMC ay magiging Department of Ophthalmology and Visual Sciences kung saan pinagunahan din niya ang groundbreaking ceremony nito sa idinaos na programa.
Para sa mga karagdagang mga katanungan at appointments, bisitahin lamang ang BMC OPD Online Appointment Facebook page o bisitahin ang link na https://www.facebook.com/BMCOPDKonsulta para sa OPD Consultation processes at mga anunsiyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA
HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos. Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel. Ayon kay […]
-
PDu30, hindi pa napipirmahan ang 182 bills na aprubado ng 18th Congress
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 182 bills na aprubado ng 18th Congress. “Considering that the 18th Congress we had almost two years of pandemic response and pandemic lockdowns, there were 197 [bills] signed into law, there was one veto but right now, pending in the […]
-
Mga Pinoy sa Lebanon, hinikayat ng DFA na umuwi na ng Pinas
NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon kaugnay sa pagapapauwi sa Pilipinas sa Gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel. Sa ulat, nanawagan kasi ang Israel sa mga indibidwal sa Southern Lebanon na lumikas na, bagay na ginawa nito bago pa ang pag-atake sa Gaza. […]