• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque

SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw matapos na aminin ni Krizle Mago ng Pharmally sa isinagawang Senate committee hearing na pinalitan nila ang expiry dates ng face shields na binili ng pamahalaan para sa mga health workers.

 

“Kung hindi natin ‘yan binili, mas marami sanang health workers na ang nasawi dahil sa COVID-19,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Even one life saved for billions we spent was well worth it because the Filipino is worth spending for,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang Department of Health ay nagbigay ng clearance na ang face shields ay alinsunod sa World Health Organization standards.

 

“Kung totoo po ‘yun (Mago’s claims), dapat panagutin. Maliit lang naman ang halaga ng face shield,” ayon kay Sec. Roque.

 

“What is most important here is kahit kelan pa minanufacture, lahat po ‘yan nagamit ng health workers at naging dahilan para maisalba ang buhay ng medical frontliners,” dagdag na pahayag nito.

 

Bago pa nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado ukol sa pagbili ng pandemic supplies mula Pharmally, ang local manufacturers ay umapela sa pamahalaan na bumili ng kanilang produkto lalo pa’t ang pamahalaan naman ang nagsabi na gawing makabuluhan ang kanilang resources para sa COVID-19 response.

 

Pinanindigan naman ni Sec. Roque na ang Senate probe ay tungkol sa “grandstanding.”

 

“This is in aid of election,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, ang Senate blue ribbon committee ay naghahanap ng di umano’y overpriced pandemic items na binili ng pamahalaan noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • ARJO ATAYDE, NAGPAKITA NG SUPORTA SA BARANGAY VASRA

    BUMISITA kamakailan si Arjo Atayde sa  Barangay Vasra, Quezon City upang tumulong sa proyektong Community Feeding ni Mayor Joy Belmonte ng Lungsod na ito.     Siya ay sinalubong ng mga nanay ng taga-Day Care Center kasama ang kanilang Barangay Kagawad na si Ding Antenor, bukod pa rito ay bumaba rin sa iba’t ibang barangay […]

  • 14,000 aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan na, 43,000 naman sa insurance – SSS

    Umaabot na umano sa mahigit 14,000 na aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan ng Social Security System (SSS) nito lamang nakalipas na buwan ng Hulyo.   Ayon sa SSS ang 14,186 na applications ay katumbas ng P15.53 billion na kanilang naipahiram sa mga kawani sa pribadong sektor mula July 1 hanggang July 27.   Habang […]

  • Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo

    HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision.     Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban.     Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang […]