• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14,000 aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan na, 43,000 naman sa insurance – SSS

Umaabot na umano sa mahigit 14,000 na aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan ng Social Security System (SSS) nito lamang nakalipas na buwan ng Hulyo.

 

Ayon sa SSS ang 14,186 na applications ay katumbas ng P15.53 billion na kanilang naipahiram sa mga kawani sa pribadong sektor mula July 1 hanggang July 27.

 

Habang nasa P190.02 million naman ang kanilang naipaluwal bilang tulong sa programang unemployment insurance benefits (UIB) para sa mga empleyado na naapektuhan ng COVID pandemic.

 

Iniulat naman ni SSS president at CEO Aurora Cruz Ignacio, mula nang tumanggap sila ng aplikasyon sa mga insurance benefits noong July 27, nasa 43,347 na ang kanilang naaprubahan kaya naman may combined total na ito sa P544.37 million.

 

Samantala nagpaliwanag pa si Ignacio doon naman sa programa nila na
Calamity Loan Assistance Package (CLAP) nasa 1.03 million applications na ang kanilang inaprubahan mula ng nang ilunsad ang online filing noong June 15.

 

Habang noong June 15 naman hanggang July 28 ang application average na tinatanggap kada claim ay nagkakahalaga ng P15,144.

 

Sinabi pa ng SSS na ang calamity loan for COVID-19 ay magtatapos hanggang September 14, 2020.

 

Meron lamang mababang 6% interest per annum ang itinakda ng SSS na sisingilin sa loan na magsisimula sa ikaapat na buwan ng 27-month term.

 

Ibig sabihin nito, merong three-month moratorium sa pagbayad ang isang applicant.

Other News
  • NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.

    NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.   Pero agad siyang binutata ni imcumbent president Abraham Tolentino na isa dalawang tatakbo ng una niyang buong termino sa apat na taon.   “Monico […]

  • 4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga

    HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station […]

  • Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta

    NAGSAGAWA ng kilos protesta ang rotesgrupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasabay ng pagbubukas ng klase at pagdiriwang ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kahapon ng umaga sa Mendiola sa Maynila.   Naging highlight ng pagkilos ang sabay sabay na pagbusina sa mga dalang sasakyan ng mga guro pasado alas 10 ng umaga para […]