• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos

PATULOY ang pagdating ng mga  diplomats para magbigay ng courtesy visits kay  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Kabilang na rito sina  United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos.

 

 

Sinabi ni Thunborg  na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay  pinag-usapan sa miting nito kay  Marcos.

 

 

“Yes, it was specifically discussed with the president and as mentioned, the very strong commitment to continue the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development was expressed,” ayon kay Thunborg.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Marcos na hiniling sa kanya ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na ituloy nito ang kanyang giyera laban  sa ipinagbabawal na gamot subalit sa sarili nitong paraan.

 

 

Noong panahon ng kampanya, sinabi ni Marcos na hahabulin ng susunod na administrasyon ang  mga ‘big targets.’

 

 

Sinabi pa niya na makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa  foreign counterparts sa pagpuksa sa ilegal na droga.

 

 

Maliban sa problema sa ilegal na droga, sinabi ni Thunborg na ang  economic at  financial policies, at maging ang  transnational crimes, ay napag-usapan din sa courtesy call. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Tag-init, posibleng pumasok na sa susunod na linggo’

    PINAGHAHANDA ng mga ahensya ng gobyerno ang publiko sa pagsisimula ng panahon ng tag-init sa ating bansa.     Paalala ng Department of Health (DoH), may mga sakit na karaniwang nararanasan sa ganitong panahon, kasabay ng madaling pagkapanis ng mga pagkain, kaya nagkakaroon ng mga kaso ng food poisoning.     Sa pagtaya ng mga […]

  • Balik-trono sa Alab: Brownlee, target ang kampeonato

    Hangad ni Justin Brownlee sa kanyang pagbabalik sa San Miguel Alab Pilipinas na mabigyan uli ng pinakaaasam na kampeonato sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020.   Malaking bagay ang do-it-all import sa koponan, na may 10-6 record at pangalawa sa team standings sa eliminations. Isa siya sa instrumento nang maupo sa trono ang PH […]

  • Target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ng Marcos administration, nirebisa

    BUNSOD nang patuloy na mababang bilang ng nagpapabakuna ng booster dose sa bansa, nirebisa ng gobyerno ang inisyal na target sa unang 100 araw ng termino ng Marcos adminsitration.     Ayon kay DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire, inisyal na target ng pamahalaan ay nasa 50% ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster shots. […]