• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maraming taong makalabas ng bahay, pinagayan na ng gabinete –Palasyo

KINUMPIRMA ng Malacañang na mas maraming tao na ang pinapayagan ng gabinete na makalabas mula sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagbuhay sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, inaprubahan sa full-Cabinet meeting kagabi ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa expansion ng age group na papayagang makalabas gaya ng mga nasa edad 15 hanggang 65.

 

Magugunitang dati ay bawal lumabas ng bahay ang mga edad 21 pababa at 60-anyos pataas, kabilang na ang mga buntis, mga may immu- nodeficiency, comorbidity o iba pang health risks.

 

Maliban dito, suportado rin ng gabinete na paikiliin o bawasan ang curfew hours at multiple work shifts para dumami ang mga manggagawa at mamimiling mag-aambag sa paglago ng ekonomiya at gradual expansion ng business capacity sa 75 hanggang 100 porsyento.

Other News
  • Hirit ng netizen, ‘anak’ na lang ang hinihintay nila: MATTEO, super sweet talaga sa heartfelt birthday message kay SARAH

    WINNER at super sweet talaga si Matteo Guidicelli lalo na pagdating sa asawa niya na si Sarah Geronimo-Guidicelli.   Pinusuan at talaga naman kinakiligan ng mga netizens at celebrity friends ang kanyang pinost na heartfelt birthday message kalakip ng sweet photo nila ni Sarah.   Caption ng actor/singer/host, “Happy birthday my love!   “I hope […]

  • Babala ng Pangulo kay Robredo kapag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 election, “waswasan kita”

    BINALAAN  ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte si Vice-President Leni Robredo na  kapag tumakbong pangulo ang huli sa 2022 election ay marami siyang sasabihin dito.   “Marami ako sabihin sa’yo. Reserba ko na lang. When you start your campaign, ‘waswasan’ kita. This is your nightmare,” banta ni Duterte na matatapos ang termino sa June 2022.   […]

  • TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA

    SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte.     Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni […]