Mas masaya ang Pasko at Bagong Taon ng pamilya: DINGDONG at MARIAN, parehong may patikim na sa bagong ‘home sweet home’
- Published on November 14, 2022
- by @peoplesbalita
MAS masaya ang Pasko at Bagong Taon ng pamilya Dantes.
Nag-post na pareho ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng ilang bahagi ng kanilang bagong bahay.
Kahit hindi pa namin nakikita ang kabuuang bahay, hindi pa man ito itinatayo ay alam na namin kung gaano kabongga ang dream house ng mga Dantes.
Sa location pa lang ng lupa na nabili nila, hindi na biro at talagang napaka-bongga na at yayamanin talaga ang mga nakatira. Kaya sigurado, marami ng naghihintay sa house reveal nila.
So far, may patikim na sa IG stories ni Marian ng room ni Zia Dantes at ang tila receiving area nila na napakataas ng ceiling at ang bongga ng chandalier.
Pareho ang ipinost nina Dingdong at Marian, ang crucifix at simpleng “Home” ang caption ni Dingdong. Si Marian naman ay “Home Sweet Home.”
Sunod-sunod na mga comment naman sa mga kaibigan nilang artista ang nagko-congratulate.
Ilan sa mga ito ay sina Gabby Eigenmann, Tanya Garcia, Jackie Lou Blanco, Chynna Ortaleza at iba pa.
***
IWAs na magsalita o pag-usapan ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanyang lovelife.
Diretsahan naming tinanong si Jeric kung ano na talaga ang real score sa pagitan nila ni Rabiya Mateo. Bilang madalas nga naming nababalitaan ang pagiging on and off ng relasyon nila.
Sinagot naman ito ni Jeric na, “Sa ngayon po, we’re good friends. Sinusuportahan namin ang isa’t isa. Hindi kami nagsasarado ng pinto. We’re both focused sa career. I’m sure, she had a good path din e. Nasa TiktoClock pa siya.”
Pero, sila pa nga ba o break na?
“Sa ngayon po talaga we decided to focus on our career,” ang pa-safe na sagot niya.
Sa isang banda, nakausap ng press si Jeric sa naging solo presscon niya para sa pelikulang “Broken Blooms” na kunsaan, nanalo na ng 3 Best Actor award si Jeric mula sa 17th Harlen International Film Festival, Mokkho International Film Festival at Tagore International Film Festival.
Sa totoo lang, ‘di pwedeng sabihin na ‘di nagbago ang tingin kay Jeric after niyang makopo ang 3 Best Actor trophy na ito. Napatunayan niyang mali ang ibinabato ng mga bashers niya na kesyo hindi siya marunong umarte.
Sey niya, “Yun po talaga ang dream ko, maging award-winning actor. Nung ginawa po namin ito ni Direk Louie (Ignacio), goal ko talaga na ipakita dito yung acting skills ko.
“Kasi syempre, wala pa akong napapatunayan, e, in terms of films. It’s my first lead role. So, no’ng sinabi po sa akin ito, talagang sinabi ko, paghahandaan ko talaga ito.
“Sabi ko, gagalingan ko talaga dito sa film na ito. Nagkaroon po kami ng workshops. Before pa kaming mag-start ng shooting, nag-usap kami ni Direk Louie nang masinsinan.”
Sa December 14 ang showing ng “Broken Blooms” sa mga sinehan. At ang goal daw nilang talaga, marami ang makapanood ng kanilang movie.
Kasama rin ni Jeric ang dalawang award winning actresses na sina Jaclyn Jose at Therese Malvar.
***
MUKHANG may pinaringgan si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram post? May payo kasi ang aktres tungkol sa mga nagsasabi ng masama sa kapwa.
“When someone says something bad about you, always remember that it is the only way his/her insignificant self can feel better than you. The most important thing is, you know who you are and that you don’t step on other people’s toes just to get where you are.
“Saying something bad about a person says a lot more about your true character than the person you are trying to bring down.”
Dahil dito, marami ang naku-curious kung may pinagdadaanan ba si Jessy sa marriage life nila ni Luis Manzano dahil may payo rin siya sa mga misis tungkol sa kung paano protektahan ang pamilya.
“Wives, it is okay to cut people off from your husband’s life, especially if it is the only way to protect him and your family from danger. Protecting your family fiercely is your duty as a mother and also as a wife. There’s a reason why God showed YOU their true colors,” mensahe ni Jessy.
Next month nakatakda nang manganak si Jessy sa first baby nila ni Luis. ‘Di kaya pregnancy hormones ito ni Jessy?
(ROSE GARCIA)
-
Mapapanood na Viva One sa 80 countries: AKIHIRO at MARY JOY, nagpakilig at nagpaiyak sa ’The Last 12 Days’
TUWANG-TUWA at nagpapasalamat ang owner ng Blade Auto Center na si Robert S. Tan sa matagumpay na world premiere ng ’The Last 12 Days’ na ginanap sa Cinema 1 ng Ayala Malls Manila Bay. Showing na nga ito sa 80 countries sa pamamagitan ng Viva One. Sa kanyang FB post […]
-
Pang-anim na suspek sa pagpatay sa estudyante sa Valenzuela, timbog
Nasakote na rin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang pang-anim na suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na grade 9 student sa naturang lungsod noong June 19, 2019. Kinilala ang suspek na si Darryl Dela Serna, alyas ‘Teroy’, 25, na naaresto ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section […]
-
Alex, mariing itinanggi na magkaka-baby na sila ni Mikee
DAHIL sa masayang tweets ni Alex Gonzaga-Morada noong March 23 maraming netizens ang agad na nag-react at natuwa. Tweet kasi ni Alex, “I hope and pray today will not just be an or- dinary day for you. May something good happen in Jesus’ name! “Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really […]