Mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa: BOOBAY at TEKLA, patuloy na nagpapalaganap ng good vibes
- Published on April 29, 2023
- by @peoplesbalita
TALAGA namang tilian ang mga Kapuso fans at volleyball enthusiasts sa maaksyong GMA NCAA All-Star Volleyball Games hatid ng GMA Synergy na ginanap noong April 23 sa FilOil EcoOil Center, San Juan City.
Nanalo ang Team Saints sa parehong Men’s at Women’s Division na kinabibilangan nina Sparkle stars Carlo San Juan, Prince Clemente, Shaira Diaz, at Lyra Micolob. Sina Carlo at Shaira ang itinanghal na Celebrity MVPs.
Excellent performance rin ang ipinamalas nina Sparkle artists Kristoffer Martin, Bruce Roeland, Cassy Legaspi, at Angela Alarcon mula sa Team Heroes. Kahit kinabahan dahil bigating NCAA athletes at alumni ang kanilang kasama sa court, kita namang nag-enjoy talaga ang mga Kapuso stars. Ilan din sa kanila ay naging bahagi ng varsity team ng kanilang schools at talagang hilig na ang paglalaro ng volleyball.
Spotted din ang ilang Kapuso stars sa venue noong Linggo. Present to cheer on Cassy sina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, at Mavy Legaspi. Nakakakilig naman ang pagpunta ni EA Guzman upang bigyan ng support ang kasintahan na si Shaira. Nanood din si Sparkle star at celebrity chef na si Jose Sarasola na siyang first-ever Celebrity MVP ng GMA NCAA All-Star Basketball Game.
Kitang-kita talaga na hindi lang galing sa pag-arte at pag-perform sa stage ang kayang gawin ng Kapuso celebrities dahil kaya rin nilang makipagsabayan sa iba’t ibang larangan.
***
NAG-LEVEL up ang well-loved Sunday viewing habit ng mga Kapuso viewers na ‘The Boobay and Tekla Show’ sa fun and entertainment sa exciting relaunch ng show simula ngayong Sunday, April 30.
Ang comedic tandem nina Boobay at Tekla ay patuloy na nagpapalaganap ng good vibes at naghahatid ng walang limitasyong tawanan at sorpresa sa mga Pilipino dahil tampok sa late-night comedy talk show ang mga live celebrity guest, laro, at iba pang gimik.
Nagsimula ang ‘The Boobay and Tekla Show’ sa YouTube noong 2018 at nagkamit ng tagumpay online mula noon. Noong 2019, nag-premiere ito sa GMA Network kasama ang mga hit na performance nito, nakatatawang kalokohan, at nakatutuwang mga skit para sa lahat. Ngayon, mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa dahil ito ay nagiging comedy talk show na may pinakabagong tagline na: “TBATS is life. Ang Tawa ay buhay.”
May mga bagong segment at laro para sa mga tapat na manonood ng palabas. Ilan sa mga segment na ito ay ang “TBATS Top 5,” “Dear Boobay and Tekla,” “Phone Raid,” “News na ‘Yaaarn?!?,” “PM is the Key,” “Pasikatin Natin ‘Yan!,” “Ang Malupit!,” “Your Time Starts Now,” “Truth or Charot,” “Uncensored, Sasagutin o Kakainin/Iinumin,” at “Hugot of the Week.”
Samantala, iba’t ibang larong dapat abangan ang “Food Or Fake,” “Face/Off,” “Bawal Tumawa Update,” “Guess The Mystery Word,” “Shock Attack,” “Don’t English Me,” at “Talas. -Salitaan.”
Spend your Sunday nights with the funny duo of Boobay and Tekla in ‘The Boobay and Tekla Show,’ every Sunday after ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ on GMA.
Ang programa ay ini-live-stream din sa mga opisyal na YouTube at Facebook account ng GMA Network at YouLOL.
Mapapanood din ng mga manonood sa ibang bansa ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.
Para sa higit pang mga kuwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Mas mataas na singil sa kuryente, nakaamba ngayong Mayo
MAY nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan, bunsod na rin ng inaasahang pagtaas ng power prices mula sa wholesale electricity spot market at iba pang suppliers. Ayon kay Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga, may bagong gastusin na idaragdag sa power rates na maaaring mag-reflect ngayong May billing. […]
-
Carlo Paalam’s Olympic win,ipinagbunyi ng mga taga- CdeO
Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam. Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo […]
-
Ads November 7, 2024