• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas ok na walang network exclusive contract: ADRIAN, longevity ang habol at hindi yung palaging bida

BAGO ang ‘Magandang Dilag’ ay napanood si Adrian Alandy sa ‘Widow’s Web’ ng GMA.

 

 

Huli naman siyang napanood sa ABS-CBN sa ‘Kadenang Ginto.’

 

 

Tinanong namin si Adrian kung ano ang feeling na isa siya sa mga artistang puwedeng magtrabaho sa lahat ng networks?

 

 

“Well, nakakatuwa kasi mas maraming actors kang nakakasama, both sides at marami kang nagiging kaibigan, ganun naman.

 

 

“Nagsimula ako sa GMA nung 1997, 1998, tapos ABS dire-diretso, tapos balik dito tapos bumalik doon, kumbaga iba-ibang direktor ang nakakasama ko, iba-ibang artista both networks.

 

 

“Sa TV5 nakapag-work din ako before.

 

 

“Very blessed naman ako in terms of yung trust ng mga bosses from GMA, they give me good projects pa din kahit na nakakagawa sa kabila, wala naman tayong bine-burn na bridge.”

 

 

So para kay Adrian ay mas okay na hindi siya exclusive contract artist ng anumang network?

 

 

“May good points, may bad points, yun nga before noong under ako ng network, mostly leads ang nagagawa, but I really don’t mind doing kahit mga support roles, kasi kahit naman before yung mga roles na nakukuha, kahit hindi lead, basta may trabaho, yun ang importante sa akin, e.

 

 

“Kasi ang habol ko naman is hindi yung always lead e, longevity. “Iyon lagi ang napag-uusapan namin ng mga kaibigan ko sa industry, sina Jason [Abalos], nila Joross [Gamboa], cannot always be on top e, pero if you put in a good work, ilalagay ka at ilalagay ka sa mga magagandang proyekto.”

 

 

Si Joross ay walang pakialam kung bida siya o hindi.

 

 

“Oo di ba, may lead, may hindi, wala siyang ano, yun ang ano namin.”

 

 

Kasi parehong magaling ang manager nila na si Noel Ferrer.

 

 

“Oo, napakabait ni Sir Noel,” saad pa ni Adrian na si Magnus sa afternoon series.

 

 

Bida sa ‘Magandang Dilag’ si Herlene Budol bilang si Gigi, at sina Benjamin Alves (bilang Eric) at Rob Gomez (bilang Jared) na mga leading men niya.

 

 

Nasa cast rin sina Maxine Medina bilang Blaire, Bianca Manalo bilang Riley, Angela Alarcon bilang Allison, Muriel Lomadilla bilang Donna, Prince Clemente bilang Cyrus at Jade Tecson bilang Jadah.

 

 

Kasama nila ang mga batikang artista na sina Al Tantay bilang Joaquin, Chanda Romero bilang Sofia, at Sandy Andolong bilang Luisa.

 

 

Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ang ‘Magandang Dilag’ 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.

 

 

Ang mga Global Pinoys naman ay maaaring panoorin ang programa via GMA Pinoy TV.

 

 

***

 

 

ISANG autistic na si Archie ang role ni Aidan Veneracion sa ‘Royal Blood’ kaya humingi raw si Aidan ng tips kay Ken Chan para sa kanyang role.

 

 

Napakahusay na nagampanan ni Ken ang papel ni Boyet na isa ring autistic sa highly-successful GMA series na ‘My Special Tatay’ na umere noong 2018.

 

 

Nagkita at nagkakilala raw sila ni Ken sa isang fan meet na event.

 

 

“So, nag-usap po kami, tapos hiningan ko po siya ng tips kung paano ang ginawa niya that time as Boyet.

 

 

“And ayun po, important din talaga na as an actor din po, bilang baguhan, first role ko pa po ito at first project.

 

 

“So challenging po siya para sa akin kaya nung nalaman ko po na ito ang role ko inisip ko talaga na kailangan kong maghanda for this lalo na yung mga kasama ko dito mga batikang actor at actress dito sa industriya natin so hindi talaga ako nagpapa-petiks-petiks lang.

 

 

“I make sure na pagpunta ko ng set, laging in character na ako.”

 

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, kasama sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Rabiya Mateo,  Lianne Valentin, at si Rhian Ramos; may mahalagang papel naman si Tirso Cruz III.

 

 

Napapanood ang ‘Royal Blood’ weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • ‘Maging bayani, magpabakuna, -magligtas ng buhay’ – Bong Go

    Hinikayat ni Senator Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang bawat isa na maging isang bayani sa sariling kaparaanan sa pamamagitan ng pagpapabakuna upang hindi na kumalat ang COVID-19 at mailigtas ang buhay ng iba.     “Let us be heroes in our own way and put a stop to the spread of […]

  • Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension

    NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.     Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati […]

  • Romnick, Elijah, Enchong at Carlo, maglalaban sa Best Actor: DOLLY, napili na maging Jury Chair sa ‘1st Summer MMFF’

    NGAYONG Martes, ang Gabi Ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na gaganapin sa New Frontier Theater sa Quezon City.     SA ang Jury Chair nito para sa dalaga nitong pinili ng MMFF Execom si Dolly de Leon, na isang internationally acclaimed Filipino film, television, and theater actress, bilang Jury Chair. […]