Mas tumatapang habang tumatanda: HEART, ‘di na ipipilit na mabuntis dahil dagdag pressure lang
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
Pababayaan na lang daw nilang dumating ang hinihiling nilang sanggol sa natural na paraan para iwas stress sa kanilang dalawa ni Chiz.
“Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because no matter how you put it, it’s always painful to lose a child. And I didn’t just lose one; I lost twins.
“I must say, it wasn’t just because dahil artista ka. Of course subconscious, ‘yung mga makikita mong comments ‘di ba? Pero because dahil lahat ‘yon at kahit ‘yung ibang kilala mo sa buhay mo, they expect that for me. At this point hindi siya binibigay sa akin, so bakit ako magmumukmok or bakit ako magse-celebrate rin? I will just live my life and I’m happy.
“Kasi kung pipilitin mo ‘yung hindi para sa ‘yo, para saan pa? But kung para sa ‘yo, eh ‘di para sa ‘yo. I’m not giving up but I’m not pressuring myself,” sabi ni Heart.
Kaarawan ni Heart ngayon, Pebrero 14, at mas lalo raw siyang tumatapang habang nadadagdagan ang edad niya.
“Habang tumatanda ka tumatapang ka. You gain wisdom and you become strong to defend yourself, to defend your loved ones,” sey ni Heart.
EXCITED sa mga big scenes sa bago niyang pagbibidahan na teleserye si Jak Roberto.
Ayon sa Sparkle hunk, matutupad daw ang hiling niya noon pa na magkaroon ng project kunsaan may mga action na eksena sa teleserye na ‘The Missing Husband.’
Sey ni Jak: “Matagal ko nang gusto talagang gumawa ng aksyon ulit. Sunud-sunod kasi ang mga drama na ginawa natin last year. Para maiba naman di ba? Kakaiba rin ang role ko dito kaya sobra akong nae-excite.”
Ikinatuwa rin si Jak na makakatrabaho sa teleserye ang cast na first time niyang makakatrabaho lahat.
“Halos lahat yata ngayon first time ko lang makakatrabaho sa teleserye. Maganda rin na mga bagong actors and actresses ang makakasama natin. New experience ito para sa aming lahat,” sey ni Jak na ang co-stars ay sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Joross Gamboa, Nadine Samonte, at Sophie Albert.
Huling napanood si Jak sa ‘Bolera’ kunsaan nagpakita siya ng husay sa pag-arte at nakipagsabayan siya sa husay din nila Kylie Padilla, Gardo Verzosa at Jaclyn Jose.
***
PERFORMANCE level si Rihanna noong nakaraang Linggo sa pag-headline niya sa Super Bowl LVII Halftime Show.
Suot ni Rihanna ang flaming-red jumpsuit with shiny breastplate noong lumabas siya mula sa glass planel suspened far above the field ng State Farm Stadium in Glendale, Arizona. Ang effect ay parang naglalakad ang singer sa isang stairway to heaven.
Opening song ni Rihanna ay ang “Bitch Better Have My Money,” at sunud-sunod na ang mga inawit niyang hit songs niya na “Where Have You Been,” “Only Girl (in the World),” “We Found Love,” “Rude Boy,” “Work,” “Wild Thoughts,” “Pour It Up,” “All of the Lights,” “Run This Town,” and “Umbrella.”
Tinapos niya ang kanyang performance with “Diamonds” habang kumikislap ang stadium at sinabi niya sa ang “Thank you, Arizona!”
At ang pinaka-highlight ng gabing iyon ay ang pagkumpirma ni Rihanna na siya ay buntis sa ikalawang anak nila ng partner niyang si A$AP Rocky.
The Apple Music Super Bowl Halftime Show was produced by DPS. Roc Nation and Jesse Collins served as executive producers, with direction by Hamish Hamilton.
-
DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia
Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor. Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay. “The policy is not anti-poor […]
-
PAGPA-FILE NG MGA KANDIDATO, LIMITAHAN ANG ISASAMA
PINALILIMITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang mga isasama ng mga kandidato kung maghahain ito ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy para sa 2022 national at local elections. Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng pandemya dulot ng (COVID-19) . “We are reminding those that […]
-
BOXING’S OLDEST CHAMPION “BIG GEORGE FOREMAN” IMMORTALIZED ON THE BIG SCREEN ONLY AT AYALA MALLS CINEMAS
SPORTS and movie fans are about to score an experience of a big win punch exclusive at Ayala Malls Cinemas with the upcoming sports biopic “Big George Foreman” starting on May 10. Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World, directed by George Tillman Jr. […]