Masamang-masama ang loob lalo na kay Jojo: NIÑO, emosyonal nang humarap sa hearing ng Senate committee
- Published on August 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING emosyonal si Niño Muhlach dahil sa sobrang sama ng loob nang humarap siya sa hearing ng Senate committee on public information and mass media kahapon.
Pinangunahan ito ni Sen. Robin Padilla, present din sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.
Ipinakita ng dating child actor ang matinding sama ang loob sa dalawang “independent contractors” ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz na inakusahan ng kanyang anak na si Sandro Muhlach ng sexual abuse.
Hindi raw inakala ni Niño na magagawa ni Jojo ito kay Sandro lalo’t magkasama sila sa isang GMA sitcom.
“Nasaktan talaga ako nang kinuwento niya sa akin ang nangyari,” pahayag ng aktor.“Kasi para makita mo ang anak mo na nangingingig at hindi halos mahawakan ang telepono niya, nu’ng ikinukuwento sa akin ang ginawa sa kanya.
“Lalo na si Jojo Nones po nakatrabaho namin sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, siya po ang head writer namin. Sobrang galang ko sa kanya, sobrang respeto sa kanya.
“Kapag may events kami, ako pa lumalapit sa kanya, Sir Jojo pa nga tawag ko sa kanya, alam mo naman ‘yun. Kaya talagang hindi ko matanggap na ginawa niya sa anak ko.”
Dagdag pa ni Niño na patuloy na naging emosyonal, “yun isa, hindi ko naman kilala. Nakilala ko na lang siya nang nangyari ‘yun insidente. Pero sobrang sama talaga ang loob kay Jojo Nones
“Tapos nalaman ko pa, bago niyang kinuwento sa akin, kinuwento muna niya sa kapatid niya si Alonzo Muhlach, na dating child star din…
“Sinabihan daw siya ng kuya niya na, ‘bro, sana ‘wag mangyari sa ‘yo, ang nangyari sa akin.”
Pagpapatuloy pa ni Niño, “nakakasama ng loob kung kayang gawin sa, di ko naman binubuhat ang aming bangko…ang talagang malaking kontribusyon sa industriyang ito, what more sa iba, what more sa mga baguhan?
“Di ko sinasabing may ginawa silang iba pero kung kaya nilang…sa isang pamilya na may pundasyon sa industriyang ito what more sa iba?”
Saglit na tumigil si Niño at patuloy siyang naglabas ng sama ng loob kina Nones at Cruz, na binabaligtad pa raw ang nangyari sa kanyang anak, na nagkaroon ng matinding trauma.
“Tapos ngayon binabaligtad pa ang sitwasyon? Di ko sinasabing GMA ah. Binabaligtad ni Jojo at ni Richard ‘yung nangyari sa mga comment nila, sa mga press release nila.
“Nakakasama ng loob, kung sino may sala, yan pa ang nagagawang magbaligtad sa istorya. Kahit sinong ama o magulang ganito din mararamdaman.” Seryoso pang tugon ni Niño.
Nauna nang sinabi ng abogado nina Nones at Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na hindi dadalo ang kanyang kliyente. Dahil ayon sa legal counsel kapag humarap sa hearing ang dalawa ay, “might be questioned during the senate hearing which may be tantamount to cross-examination during the trial of the case.”
Kaya magkikita na lang sila sa korte, para doon magharap-harap, habang nililitis ang kaso. (ROHN ROMULO)
-
PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC). Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]
-
JAO, hangang-hanga kay RHEN at nagpapasalamat kay ROSANNA sa pag-alalay sa kanya noon
SA digital mediacon ng erotic love story na Paraluman na mula sa award-winning thriller and horror-film director na si Yam Laranas, natanong namin ang nagbabalik-bida sa pelikula na character actor na si Jao Mapa, tungkol sa paggawa niya ng daring scenes noon with Rosanna Roces sa Matrikula at ngayon naman kay Rhen Escano. […]
-
PBBM ADMIN NAGLAAN NG P2.39 BILYON PARA PONDOHAN ANG MALAWAKANG FOREST REHABILITATION PROGRAM
Para makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy, naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA). “Bilang mandato po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mananatili kaming nakatuon sa pagkamit ng inclusive at sustainable transformation patungo sa tinatawag […]