Masaya kay LJ at sa non-showbiz fiance: PAOLO, nagsalita na rin sa relasyon nila ni YEN
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMI nang naghihintay kung paano magla-live ang “Eat Bulaga,” na sa ngayon ay nagri-replay lamang ng mga past episodes nila?
Sinu-sino raw kaya ang sumama sa mga hosts at staff ng long-running noontime show, kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon?
May balitang dalawa raw sa mga huling umalis sa APT Studio, after nilang mag-meeting pagkatapos nilang magpaalam sa pamamagitan ng kanilang Facebook Live, ay sina Maine Mendoza at Jose Manalo, dala ang kanilang mga gamit.
Balita rin na magpapahinga muna si Maine, lalo pa at wala na siyang ibang shows na ginagawa dahil nagtapos na rin ang comedy show nilang “Daddy’s Gurl” ni Vic Sotto, at ang #MaineGoals sa Cignal TV.
Sa kasalukuyan kasi ay wala pa ring maliwanag na detalye kung saan lilipat ang show na gagawin ng TVJ.
***
ANG Multimedia Idol na si Kim Chiu ang new ambassador ng Sisters Sanitary Napkins, one of the leading feminine hygiene brands sa bansa, ang Sisters Sanitary Napkins and Panty Liners ng Megasoft Hygiene Products Inc.
Alam ni Megasoft Vice President, Ms. Aileen Choi Go na isa si Kim sa biggest names in the industry today, but she admires the way she remained bubbly, inspiring and down-to-earth.
“She’s a good actress, a great host, a fine businesswoma and a really generous sister to all her siblings, kaya bagay siyang endorser ng aming produkto,” sabi ni Ms. Aileen. Sinagot naman ito ni Kim na matagal na siyang gumagamit ng Sisters products, bago pa siya nakuhang endorser.
“I love using Sisters kasi, magalaw ako, I love to dance, and with Sisters, secure ako with their adhesives that prevent it from leaking or shifting. Kaya masaya ako nang i-offer nila sa akin..
“I really look forward sa program nila that tours schools all over the country. Gusto kong ma-meet all the young women who are experiencing puberty. Grade 6, ako nung first time na magkaroon ako at pinagtawanan ako ng mga classmates ko, kaya two weeks akong hindi pumasok sa school.
“Ngayon kaya kong i-explain sa mga young girls na walang reason para matakot sila, dahil part ito of being a woman. Ituturo ko rin sa kanila na kapag may menstrual pains ako, chocolate lang ang katapat nito, kumain sila nang kumain ng chocolate nang hindi nila maramdaman ang sakit.”
Sa kabila ng pagpu-promote ni Kim ng Sisters, may mga new projects din siyang ginagawa ngayon, one is the drama series na “Linlang” with Ms. Maricel Soriano and JM de Guzman, plus daily hosting “It’s Showtime” and “ASAP Natin” every Sunday.
***
NGAYONG lumabas na ang engagement ni LJ Reyes to her non-showbiz boyfriend, nagsalita na rin si Paolo Contis tungkol sa relasyon nila ni Yen Santos.
Bakit daw niya minahal si Yen?
Inamin ni Paolo na that time na nasa height ng controversy nila ni LJ, kayang putulin ni Yen ang relasyon nila, pero hindi, mas pinili nito, to stay with him, which made him fall in love with her.
Ayon kay Paolo sa podcast interview ni Nelson Canlas, “nang magsimula ang controversy, there was every opportunity to tell me or to leave, but she stayed, hindi rin niya ipinakita sa akin na she is affected, kaya bakit hindi mo siya mamahalin?”
“Kung yung iba, lumayo, siya lumapit.”
Inamin ni Paolo na masaya siya for LJ and her non-showbiz fiance, si Philip Evangelista.
Inamin din niyang nagkulang siyang maglaan ng oras sa kanilang dalawa “to talk everything.”
(NORA V. CALDERON)
-
Hihinto ang buong operasyon ng PNR sa December
ANG KABUUANG operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ay hihinto sa darating na December upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Railway Projects (NSRP) ng PNR at Department of Transportation (DOTr). Ang unang bugso ng konstruksyon ng proyekto ay ang maaapektuhan ay ang kahabaan ng Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba sa Laguna ng […]
-
10,000 slots para sa educational subsidy program, bubuksan ng GSIS
NASA 10,000 slots ang bubuksan ng state-run Government Service Insurance System (GSIS) para sa Educational Subsidy Program para sa academic year 2022-2023. Sa ilalim ng programang ito, nasa 10,000 college students ang magagarantiyahan ng P10,000 mula sa GSIS kada taon hanggang sa matapos ang kanilang napiling kurso. Bahagi ng corporate social […]
-
PAUL RUDD GETS THE CALL IN “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”
MARVEL’S Ant-Man himself Paul Rudd now plays Mr. Grooberson, the endearing slacker summer school teacher in Columbia Pictures’ new action-adventure Ghostbusters: Afterlife (in Philippine cinemas February 16). [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/vstFiU4r-Cc] “He’s one of the great comedians of our time,” director Jason Reitman says. “I remember one of my first short films opening […]