• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masaya na marami silang natulungang movie workers: Sen. BONG, nangakong bubuhayin ang pelikulang Pilipino

MARAMING pulitiko ang nagbigay ng kanilang oras at panahon para dumalo sa event ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ na ginanap noong Linggo, October 11 sa Philippine Sports Arena, Pasig City tulad nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado, Rep Erwin Tulfo, dating DILG Sec. Benhur Abalos, Pasig Cong. Roman Romulo, at QC Cong. Arjo Atayde bilang suporta sa adbokasiya ng MMFF MMDA, MOWELFUND, FDCP FAP at AKTOR na matulungan ang mga taga-industriya, lalo na ang malilit na manggagawa.

 

Pagkatapos ng programa, naka-usap namin ang butihing senador at sinabi nitong nakapangingilabot na for the first iyong mga taong nakatrabaho niya noon ay makikita niya ngayon.

 

“Sa totoo lang nakakapangilabot lalo na ngayon ko lang nakita na akala ko wala na, ‘yung first leg man ko sa pelikula, si Danny Labo na tao ni direk Carlo J Caparas, talagang ‘wow’!

 

“Sabi ko, ‘buhay ka pa pala.’ Tapos maraming mga stuntman na mga dating nakatrabaho na ngayon lang uli nakita,” nakangiting pahayag ni Sen. Bong.

 

Ibinahagi rin ng senador na nag-umpisa ang Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan ay umiikot sa buong Pilipinas. “Namamahagi ito ng tulong sa ating mga kababayan, halos 60 ahensiya ng gobyerno ang dinadala everywhere para mismong inilalapit ng gobyerno sa tao at hindi na kailangang ang tao pa ang lumapit sa gobyerno tulad ng DOLE, NBI, passport, police clearance, Philhealth, at iba pa.

 

Lahat iyan. Kaya ito napakalaking bagay ng programang ito na hanggang bukas na magbibigay-serbisyo.

 

“Kaya tuwang-tuwa ako, masarap sa pakiramdam. Kaya nga noong nabanggit sa akin ni Speaker Romualdez na sana babanggitin ko rin sa kanya (proyekto) sabi ko, ‘Speaker sana matulungan din natin ang mga taga-industriya.’ At ang sagot niya, ‘inaayos na namin iyan.’ Wow! natuwa ako.

 

“Talagang ganoon sila, pinoprograma na nila lahat, bawat sektor. Kaya I’m so happy, sabi nga katakot-takot na pamba-bash. Sa akin sa totoo lang, Kaya ang ginagawa ng pangulo, ni speaker talagang tumutulong sa tao.

 

“‘Yung sa atin, basta sa akin, ‘yung totoo lang, sino ba ang nakakatulong sa tao? Wala munang politika. Ibaba natin ang tulong sa mamamayang Filipino na nangangailangan tulad ng mga kapatid natin sa industriya na nangangailangan sila.

 

“Kaya napakalaking tulong ito sa kanila kaya salamat Mr. President, Mr. Speaker,” sambit pa ni Sen. Bong.

 

Marami pa silang proyektong naka-line up na makatutulong sa industriya.

 

“Kung paano matutulungan ng national government ang ating industriya sa paggawa ng pelikula, mabuhay muli ang pelikulang Pilipino. Ang gagaling gumawa ng pelikula ng mga Pinoy. Maaari tayong makipag-compete talaga worldwide.

 

“Basta huwag kayong mag-alala bubuhayin natin ang pelikulang Pilipino,” pangako pa ni Sen. Bong.

 

At kung may sapat na budget, baka maging taon-taon na rin ang grand event na ito, sabi pa ng matipunong senador.

 

***

 

SAMANTALA, nag-uumapaw ang napakaraming movie workers na nagtungo para makiisa sa two-day Bagong Pilipinas Serbisyo Fair last October 11 and 12 sa PhilSports Arena (dating ULTRA).
Nasa 15,000 na movie workers ang beneficiaries na nagtungo kasabay ng grand celebration ng 50th Metro Manila Film Festival.

 

First time pala itong nangyari na nagsanib-puwersa ang pamunuan ng MMFF at ang principal stakeholders nitong Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), Film Development Council of the Phils. (FDCP), Film Academy of the Phils, (FAP), at AKTOR kasama ang iba’t ibang booths ng mga government agencies para makapagbigay-serbisyo sa mga manggagawa ng pelikulang Filipino.

 

Nagbigay ng ayuda na umabot sa P75-M ang budget na inilaan ng gobyerno, na inorganisa sa pamumuno ni House Speaker Atty. Martin Romualdez.

 

Layunin ng programa na mas mailapit sa mga tao ang serbisyong-gobyerno, na sa pagkakataong ito ay ang sector ng film industry ang beneficiaries.

 

23 ahensiya ang nagbigay ng mahigit sa 100 programa na naglalayong pahusayin ang kapakanan at paglago ng mga miyembro ng industriya. Nakaangkla ito sa Bagong Pilipinas na pananaw na isinulong ni Pangulong Marcos, na nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang tungo sa pagkilala at pagtataguyod para sa mga kontribusyon sa kultura at ekonomiya ng industriya ng malikhaing sining sa bansa. Inorganisa sa ilalim ng visionary leadership ni House Speaker Atty. Martin G. Romualdez at sa estratehikong pakikipagtulungan sa pamunuan ng MMFF, at mga stakeholder.

 

Ang Serbisyo Fair ay ginawa para mas malapitan ang mga serbisyo at benepisyo ng gobyerno sa mga taong walang sawang nag-aambag sa likod ng mga eksena ng industriya ng pelikula. Nanguna sa mahalagang kaganapang ito ay ang Chairman ng MMFF na si Atty. Romando Artes; MOWELFUND Chairman, Boots Anson Roa, kasama ang Presidente at CEO, Rez Cortez; at mula sa FDCP, si Chairman Joey Reyes kasama si Executive Director III, Daniel David Morales, ang gumabay sa pagsingil.

 

“Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay isang mahalagang hakbang sa pagtiyak na ang ating mga manggagawa sa sinehan ay kinikilala, ipinagdiriwang, at higit sa lahat, sinusuportahan,” pahayag ni Atty. Artes.

 

“Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng MMFF, MOWELFUND, FDCP, FAP, at AKTOR, inilalabas natin ang isang panahon na ang tulong ng gobyerno ay mas naa-access sa mga taong bumubuo ng backbone ng cinematic ventures ng ating bansa.”

 

Binigyang-diin ni Ms. Boots ang papel ng Serbisyo Fair, “Ito ay higit pa sa isang kaganapan; ito ay isang patunay ng aming patuloy na pangako sa pagpapahusay ng kapakanan ng bawat indibidwal na nag-aambag sa magic ng Philippine cinema.”

 

Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay nagtatakda ng benchmark para sa mga hinaharap na hakbangin na naglalayong suportahan ang mga lokal na manggagawa sa sinehan.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha

    IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema.     Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos […]

  • NCR at Davao City, mananatili sa ilalim ng GCQ; CAR at 6 na iba pa, isinailalim din sa GCQ para sa buong buwan ng Pebrero- Sec. Roque

    MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa darating na Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021.   Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, […]

  • 2 kelot na nasita sa paglabag sa ordinansa, bistado sa droga

    BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu nang takbuhan ang mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.     Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti-criminality foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS4) sa Pla-Pla St., Brgy. 14 nang matiyempuhan nila […]