• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR at Davao City, mananatili sa ilalim ng GCQ; CAR at 6 na iba pa, isinailalim din sa GCQ para sa buong buwan ng Pebrero- Sec. Roque

MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa darating na Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021.

 

Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province para sa Luzon; Tacloban City para sa Visayas; Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City para sa Mindanao.

 

Ang Santiago City, Ormoc City, at iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

“Binigyan na po tayo ng pahintulot ng ating Presidente para ianunsyo ang quarantine classifications mula mula February 1 hanggang 28 ng taong ito. The abovementioned risk-level classifications will take effect starting Monday, February 1 until February 28, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Uulitin ko po, nasa ilalim po ng GCQ ang mga sumusunod: ang NCR, ang CAR, kasama ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Calinga, Mountain province; ang Batangas province, ang tacloban City, ang davao city, ang davao del norte, ang lana del sur, at ang iligan city. lahat po ng iba pang lugar sa Pilipinas ay mapapasailalim sa modified general community quarantine,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Other News
  • NCAP: Magandang konsepto subalit kailangan baguhin, dapat repasuhin!

    ISANG   dating   opisyal   ng   Metro   Manila   Development   Authority   (MMDA)   ang nagsabing hindi siya ayon sa  mga mungkahi na  tanggalin ang  pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa mga pangunahin lansangan sa Metro Manila.     Ang bagong elected na Rizal Rep. Jojo Garcia at dating MMDA general manager ang   hindi   sumasangayon  na   alisin   ang   NCAP   […]

  • Para sa kanila kaya ito ni Rayver?… JULIE ANNE, ipinasilip ang nabiling lote na patatayuan ng rest house

    IPINASILIP ni Julie Anne San Jose ang ground breaking ng kanyang nabiling lote.   At sa pictures na ipinost niya, makikitang kasama pa rin niya ang rumored boyfriend na si Rayver Cruz. Walang detalyeng inilagay si Julie Anne sa kanyang post. Pero base sa nalaman namin, halos 4,000 square meters daw ang lote nito sa Tagaytay. […]

  • KIM, iniyakan na ‘di natuloy sa lock-in taping kasama sina JENNYLYN at XIAN dahil biglang nag-positive sa COVID-19

    INIYAKAN ni Kapuso actress Kim Domingo na hindi siya natuloy makasama sa lock-in taping ng bago sana niyang teleserye na Love, Die. Repeat. na unang pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at new Kapuso actor na si Xian Lim.     Ibinahagi ni Kim ang dahilan ng hindi niya pagkatuloy sa kanyang Instagram.     “Nagpositibo ako sa COVID-19. Hindi […]