• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mass wedding, pinapayagan na ngayong pandemic – DILG

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ng mass wedding kahit nasa gitna pa ng pandemic ang bansa.

 

Kailangan lamang daw siguraduhin ng mga local government units (LGUs) na nasusunod pa rin ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

 

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na papayagan ang mass wedding basta 30 porsiyento lamang ng venue capacity ang bilang ng mga dadalo upang siguruhin na masusunod pa rin ang physical distancing.

 

Pagsusuotin naman ng face mask at face shield ang groom at bride.

 

Sa lungsod ng Makati ay may ikinasal na si Makati City Mayor Abby Binay na tinaguriang “mask wedding.”

 

Inilinsad noong Hulyo ang naturang programa upang patunayan na walang pandemya ang makakaharang sa pagpapakasal ng mga nagmamahalan.

 

Ayon sa alkalde, talagang pinag-isipan nila ang pagsasagawa ng outdoor wedding para ma-accomodate pa rin ang lahat ng mga humihiling na sila ay maikasal.

 

Halos 200 magsing-irog na ang ikinasal dahil sa naturang programa ng lungsod.

 

Other News
  • Sa ngayon ay wala pang nakikitang dahilan: ALJUR, ‘di isinasara ang posibilidad sa ‘frontal nudity’

    WALANG balak na gayahin ni Aljur Abrenica ang mga baguhang artista na walang takot na magbuyangyang ng kanilang private part sa mga pelikulang ginawa.     Wala raw kasing dahilan magpakita ng kanyang hinaharap sa pelikula kaya it’s a big no no muna para mag-frontal nudity.     Tsika nga ng bida ng Revelations, “sa […]

  • Natupad ang wish: HEART, ‘di pa rin makapaniwalang nakuha nilang endorser si JI CHANG-WOOK

    SA virtual launch ng Pure Living Wellness International last November 24, in-announce ni Heart Evangelista na si South Korean star Ji Chang-wook ang brand ambassador ng kanyang beauty and wellness brand na Vitasense.     Ang Pure Living ay isang homegrown Filipino organization na may wide-range products in the scope of beauty and wellness. Isa […]

  • 7 pinay na biktima ng human trafficking, nasabat ng immigration

    PINIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang pito na mga babaeng Pinay na makalabas ng bansa patungong United Arab Emirates dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking.   Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na […]