• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MASSAGE PARLORS, TUTUTUKAN SA HUMAN TRAFFICKING

TUTUTUKAN   ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga massage parlors na sangkot sa human trafficking ngayon na ang Metro Cebu ay gumaan ang quarantine restrictions .

 

 

Ito ay bunsod  sa pagkakaaresto ng NBI field office sa Mandaue City ang tatlong personalidad kasunod ng  simultaneous counter-human trafficking operation isa dalawang  massage parlors sa kahabaan ng  H. Cortes Street sa nasabing lungsod kung saan nasagip naman ang 20 kababaihang  therapists.

 

 

Sinabi ni Arnel Pura, NBI director ng Mandaue City office, na ang kanilang sentral na tanggapan ay may mga tiyak na tagubilin upang ilagay ang mga posibleng hotbed ng human trafficking sa Metro Cebu sa ilalim ng surveillance.

 

 

“Human trafficking is one of the primary jurisdictions where the NBI can conduct investigation and operation. In line with this mandate, Central Visayas regional office and Cebu district office agents and operatives conducted a counter-human trafficking operation last February 24, involving operations of two massage parlors,” ayon pa kay Pura .

 

 

Ayon sa ulat, ang dalawang establisimento ay nag-e-empleyo ng babaeng therapists ngunit nalaman ng mga sumunod na imbestigasyon na ang lugar ay para sa prostitusyon.

 

 

Aniya, nagpapatakbo sila bilang mga massage parlor ngunit isa talaga silang prostitution den kung saan ang mga biktima ay inalok para sa sekswal na aktibidad kapalit ng pera.

 

 

Nalaman din ng NBI na dalawang establisyimento ang kumokolekta ng P1,700 bilang fee para sa services ng isang attendant na ayon kay Pura ay malayo sa ordinaryong massage fee na P300 hanggang P500.

 

 

Dagdag nito, natukoy na ang may-ari ng dalawang massage parlors na ngayon ay iniimbestigahan na at posibleng makasuhan ng paglabag sa Republic Act 9208, o  Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

 

 

Nasa kustodiya naman ng Department of Social Welfare and Development (DWSD)  Central Visayas field office facility for women ang mga nasagip na kababaihan na nasa edad 20 hanggang 30. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mystery, Dread Surround ‘Don’t Worry Darling’ Official Trailer

    WARNER Bros. Pictures and New Line Cinema have revealed the official trailer of the mystery thriller ‘Don’t Worry Darling‘ directed by Olivia Wilde and starring Florence Pugh, Harry Styles, Olivia Wilde, Gemma Chan, KiKi Layne, and Chris Pine.     Check out the trailer below and watch “Don’t Worry Darling” in Philippine cinemas September 2022. […]

  • JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

    NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .     Sa panayam kay Marcos […]

  • Kapulisan sa Ukraine dinoble ang pagbabantay para protektahan ang mga mamamayan

    MAS PINAIGTING ng mga kapulisan ng Ukraine ang ginagawa nilang seguridad.     Ayon kay Ukraine police chief Ihor Klymenko na ilalagay nila ang mahigpit na pagbabantay ng hanggang Pebrero 19.     Ilan sa mga paghihigpit ay ang pagdagdag ng mga kapulisan na magpapatrolya sa kalsada, pagdagdag ng centers na magmomonitor ng kalagayan.   […]