Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
Dahil inaasahang darating na sa mga susunod na buwan ang mga bakuna kontra Covid-19 kaya pinagsusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Local Go-vernment units (LGUs) ang master list para sa Priority Group A4.
Kabilang sa A4 group ang mga sektor sa industriya ng transportasyon, market, manufacturing, government services, hotels, education, media at iba pa.
Paliwanag ni Nograles na ang alokasyon ng bakuna ay nakabase sa master list na ibibigay sa kanila ng bawat LGUs.
Tiniyak din niya sa publiko na ang supply ng bakuna ay available sa PIlipinas sa tulong ng Asian countries sa gitna ng kakapusan ng supply nito mula sa Western manufacturers.
Kabilang sa inaasa-hang maaaring pagkunan ng bakuna ay mula sa China, Russia at India. (Daris Jose)
-
PBBM inatasan ang legal experts na pag-aralan ang usaping clemency kay Veloso
INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaga pa para pag-usapan ang pagbibigay ng executive clemency kay Mary Jane Veloso. Sa isang panayam sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na malayo pa ang usaping ito sa ngayon, dahil nasa preliminary stage pa lamang ang pagdating ni Veloso sa bansa. Ayon sa […]
-
PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN
BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19. Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]
-
BARANGAY AT SK ELECTION NAGHAHANDA NA
MAGSISIMULA na ng paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na buwan para sa December 2022 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kabila ng panawagan na ipagpaliban ito,sinabi ni Commissioner George Garcia ngayong Huwebes. “Definitely this coming June, we will already start the ball rolling for the preparations for the barangay […]