Masterlist ng mga babakunahan ng COVID -19 vaccine, inihahanda na
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
KINUKUHA na ngayon ng Department of Health (DoH) ang lahat ng mga pangalan ng health workers sa buong bansa.
Ito’y bilang paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19.
Sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, may ginagawa ng koordinasyon ang DOH sa iba’t ibang pagamutan ganundin sa Local Government Units (LGUs) pati na sa mga probinsiya para sa masterlist ng mga medical workers lalo na sa mga nakatalaga sa health facilities na ang hawak ay COVID cases.
“As explained briefly by Secretary (Carlito) Galvez earlier, the Department of Health is coordinating with the various hospitals and the various local government units and provinces to get the master list of all health workers especially in the health facilities that cater the most COVID cases,” ayon kay Dizon.
Pagtiyak ni Dizon, ready na for roll out ang pagbabakuna sa sandaling dumating na first batch ng bakuna ngayong Pebrero.
“So iyon ang uunahin ‘no, iyong mga ospital and medical facilities na pinakamaraming mga hina-handle na COVID cases. So nagawa na iyon ng Department of Health, and ready for rollout na iyan kapag dumating ang ating mga first batch of vaccines ngayong February,” aniya pa rin.
Batay sa priority list ng gobyerno, una sa listahang mabakunahan ang mga health care workers na susundan naman ng indigent senior citizen, pangatlo ang iba pang senior, pang-apat ang natitirang indigent population at ang huliy mga sundalo at pulis. (Daris Jose)
-
“The Boogeyman” Terrifying New Trailer and Poster Out Now
EMBRACE the fear and mark your calendars for May 2023, as “The Boogeyman” prepares to haunt theaters near you and terrifying new trailer and a new poster is available now. The horror-thriller from the mind of best-selling author Stephen King. The wait is finally over, as the spine-chilling new trailer and poster for […]
-
107K paslit sa NCR, target mabakunahan ng DOH
TARGET ng Department of Health- Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na mabakunahan at maprotektahan laban sa mga vaccine-preventable diseases ang mahigit sa 107,000 paslit sa National Capital Region (NCR). Ito ay sa ilalim ng catch-up immunization campaign na inilunsad ng DOH sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City, at dinaluhan ng […]
-
Dalawang pelikula ang pasok sa 50th MMFF: SID, aminadong ‘di makakasabay kay VIC sa pagpapatawa
ANG suwerte ni Sid Lucero dahil dalawa ang pelikula niya sa 50th Metro Manila Film Festival. Una ay ang ‘The Kingdom’ with Vic Sotto and Piolo Pascual ng APT Entertainment at second ay ‘Topakk’ with Arjo Atayde and Julia Montes ng Nathan Studios Inc. Break nga ito ni Sid […]