MATAAS ANG KASO NG COVID PERO BUMABA ANG SEVERE AT CRITICAL
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
BAGAMA’T tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa, bumababa naman ang severe at critical cases, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).
Gayunman, aminado si treatment czar at DOH Usec Leopoldo Vega na tumaas ang COVID cases sa Region 2,3, 4A, NCR , 7 at 10.
Tumaas naman sa 72% hangang 73% ang COVID intensive care unit o ICU utilization o paggamit ang paggamit ng ICU.
Aniya ang Metro Manila ay nasa moderate risk pero hindi naman ganun kadami ang pasyente kung ikukumpara sa nakaraaang wave na kung saan napupuno ang ICU.
Sinabi ng opisyal na maaring ito ay dahil sa bakuna at pinag-igting na mga pag-iingat at mga hakbang.
“Tumataas ‘yung kaso pero yung severe, critical cases po eh nasa 1.86% compared ho sa mga 3-4% na dati talagang dumadaan na wave , kaya medyo siguro pwede natin ma-speculate na baka nga namang ano na’to, ito na yung dahilan dahil sa bakuna at sa talagang ano natin intensified preventive aspects”pahayag pa ng treatment czar.
Dagdag pa nito, kung titignan ang active cases, 98% ang mild, asymptomatic at moderate cases.
Nasa 92% naman ang gumaling na sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Subscribers, may parusa kapag nagbigay ng false information sa panahon ng SIM registration
NAKATAKDANG ipalabas sa Disyembre 12 ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Registration Act. Magiging epektibo naman ang batas sa Disyembre 27. Nag-draft na kasi ang National Telecommunications Commissions (NTC) ng IRR at nakatakda ang public hearing nito sa Disyembre 5. Sa ilalim ng draft IRR, “a SIM card user may register his number […]
-
‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali
MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9. Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports […]
-
Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal
BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo. Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan […]