Mataas na palitan ng piso vs dolyar, ramdam na ng mga OFW
- Published on September 9, 2022
- by @peoplesbalita
NARARAMDAMAN na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.
Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso at dolyar sa loob ng halos dalawang dekada.
Inihayag ng mga OFWs na pinagkakasya nalang nila ang kanilang padala dahil mahal rin umano ang transaction fee sa mga remittances.
Sa pahayag naman ng mga tumatanggap ng padala mula sa kanilang pamilya sa ibang bansa, bukod sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, nagkukulang narin ang kanilang budget dahil sa dami ng kanilang gastusin ngayong pandemiya kung saan, hinahati nalang nila ang budget para sa maintenance, pambayad ng bahay, tubig at ilaw.
Batay sa pinakabagong Monetary Policy Report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posible pang magpatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa hanggang sa susunod na taon.
-
Valdez injury will not require surgery
Nakatanggap ng malaking ginhawa ang Creamline isang araw matapos masungkit ang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference bronze medal dahil hindi na mangangailangan ng operasyon ang injury ni Alyssa Valdez, inihayag ng team sa mga social media account nito noong Miyerkules. Nasugatan ni Valdez ang kanyang kanang tuhod sa ikatlong set ng bronze-clinching […]
-
National Press Freedom Day bill pasado na sa Senado
INAPRUBAHAN ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day. Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism. Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din […]
-
Guce sumalo sa ika-40 Puwesto, sinubi P48K
BINIRIT ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang pinakamagarang hampas sa apat na araw sa one-under par 71 para sa two-over 290 sa pagtabla sa lima sa ika-40 katayuan na may $993 (P48K) sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic nitong Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, […]