‘Matagumpay ang COVID-19 response, kung wala ng bagong kaso sa loob ng 28-days’ – DOH
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring katiyakan ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas kahit bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit na naitala sa nakalipas na araw.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, naka-depende pa rin sa ipinapasang data ng Disease Reporting Units (DRUs) ang numero ng kanilang inire-report na bagong confirmed cases kada araw.
“Maraming forecasts na ginagawa yung mga academic institutions and this serves to guide the DOH on how we will be able to move forward with our response… pinag-aaralan din yan ng DOH at ating experts.”
“Our reported cases are very much reliant on the submission of DRUs. Ibig sabihin, yung mga sina-submit ng mga laboratoyo, ospital at local government units.”
Kung maaalala, sinabi ng mga researchers mula sa UP Octa na nag-flatten na ang curve ng COVID-19 sa bansa.
Pero paalala ng opisyal, hindi lang numero ng mga kaso ang dapat pagbatayan ng sitwasyon. Itinuturing din daw kasi na indicator ang kapasidad ng health system, contact tracing, surveillance ng mga kaso ng sakit at testing.
Ani Vergeire, maaari lang sabihin na talagang matagumpay na ang COVID-19 response, kung wala nang maitatalang kaso sa loob ng dalawang linggo.
“We are not certain at this point. Tinitingnan pa natin, pinag-aaralan nating mabuti itong trends ng mga kaso at iba pang factors.”
“Kapag dumating yung panahon na in two incubation periods, its 28 days na wala tayong naitatalang (bagong) kaso, doon natin masasabi talaga na we had been really successful in all these things that we are doing for this response.”
-
Panukala ni Senador Tulfo na imbestigahan ang NGCP, aprubado ni PBBM
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Pinaalalahanan ni Tulfo nitong Martes, Mayo 16, si Pangulong Marcos sa posibilidad ng seryosong banta sa seguridad ng bansa ang maliit na porsyon na pagmamay-ari ng China ang NGCP. Ayon sa Presidential Communications […]
-
China aircraft carrier, nagsagawa ng drills sa Philippine Sea
NAGSAGAWA ang Liaoning aircraft carrier ng high-intensity drills sa Philippine Sea ngayong buwan habang hinahasa naman ng PLA navy ang skills nito. Sinabi ng Military analysts na ang exercise ay makapagbibigay ng reference point para sa training at operations kapag ang bansa ay nakakuha ng mas advanced carriers “Ongoing drills involving […]
-
Blended learning sa maliliit na pribadong paaralan sa NCR, nasa kamay na ng IATF: DepEd exec
Nasa kamay na ng COVID-19 task force ng pamahalaan ang blended learning sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila na may maliliit na populasyon ng mga mag-aaral, ayon sa Department of Education nitong Miyerkoles. Nang tanungin kung bukas ang DepEd sa pagpayag sa blended learning at ilang face-to-face interactions sa mga naturang paaralan, sinabi […]