• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan

ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Asliah Sambitory, 39 ng Putok 1, Mangohig Street, Calapacuan Subic Zambales.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

 

 

Kasama ang Intelligence Section sa pangunguna ni PMAJ John David Chua at 3rd MFC, RMFB, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano ang joint buy bust operation sa Sta Rita St., Brgy. 188 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong ala-1:10 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P340,000, 00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 64-pirasong P1,000 boodle money at brown envelope.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Peñones ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

    Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]

  • Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC

    LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan.     “A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected,” wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes. […]

  • Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao

    NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao.   Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo.   Dahil sa magkakasunod na bagyo […]