• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matandang dalaga tiklo sa P204K droga sa Valenzuela

NASAMSAM sa 44-anyos na dalaga ang mahigit P.2 milyong halaga ng shabu matapos siyang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Janice”, 44, ng Balintawak, Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng iligal na droga ng suspek.

 

 

 

Nang magawang makipag-transaksyon ng SDEU sa suspek ay agad ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave kung saan nakapagsunduan umano nila na sa 3rd St., Brgy. Marulas gaganapin ang kanilang transaksyon.

 

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang P7,000 marked money na kinabibilangan ng isang 500 bill at 13-pirasong P500 boodle boodle money, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba dakong alas-9:55 ng umaga.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

 

Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Holdaper na nasa top 10 most wanted person, nasilo ng Valenzuela police sa Pasig

    NASAKOTE ng pulisya ang umano’y pinakalider ng gang na sangkot sa panghoholdap sa isang vape shop sa Valenzuela City, sa isinagawang manhunt operation sa Pasig City, kamakalawa ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Enero 22, 2024 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Branch 285, […]

  • Agimat Partylist namahagi ng ayuda

    KINATAWAN ni Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist ang pamamahagi ng tig-P2,000 cash na ayuda, kasama si Mayor John Rey Tiangco sa 2,840 Navoteño college students. Nagmula ang cash aid sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. (Richard Mesa)

  • Nalungkot na ‘di na ito na-witness ni Direk Marilou: CESAR, naluha nang mapanood ang restored version ng ‘Jose Rizal’

    HINDI napigilan ng batikang aktor na si Cesar Montano na maluha matapos panoorin ang digitally restored and remastered version ng ‘Jose Rizal’, ang pelikulang pinagbidahan niya noong 1998 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theatre.       “This movie was released about 26 years ago, hindi ko akalain na mapapaiyak pa rin ako, e. Sobra, sobrang […]