• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapang na sinagot ang mga nam-bash sa kanya: LIZA, sang-ayon sa sinabi ni OGIE at ‘grateful’ sa lahat ng naitulong

SA exclusive interview ng ABS-CBN News, buong tapang na sinagot ni Liza Soberano ang mga namba-bash sa kanya na tinawag siyang “ungrateful”, “ingrata”, “walang utang na loob” at kung ano-ano pa.

 

After nga ito nang ilabas niya ang YouTube vlog kung saan nagbahagi siya ng mga saloobin at pananaw sa 13-year showbiz career sa ABS-CBN hanggang sa mag-decide lumipat sa management company ni James Reid na Careless Music.

 

 

“I feel like a lot of people have mixed reactions towards my vlog, but I’m speaking for my experiences and I will reiterate that I am truly grateful for everything that I had and everything that I had experienced, everything that I have achieved in life,” say ni Liza.

 

 

“And I acknowledge that I wouldn’t have any of that if everybody along the way wasn’t there with me.

 

 

Ipinagdiinan din ni Liza na wala siyang pinagsisisihan sa mahigit isang dekada niya sa bakuran ng Kapamilya Network.

 

 

Nakita at napanood din niya ang video na in-upload ng kanyang dating manager na si Ogie Diaz at sumang-ayon naman siya sa lahat ng sinabi nito, maliban lang tungkol sa screen name na “Liza” at yun ang nais niyang linawin.
“When I mentioned that in my vlog, that was more of me just stating a fact. I never mentioned that I didn’t like the name ‘Liza Soberano’ or that I wasn’t proud of it.

 

“It’s just the fact that I wasn’t the one who chose my name because that’s one thing that a lot of people don’t know about me.

 

 

Dagdag mensahe pa ng aktres sa dating manager, “I want to tell him that I’m very grateful for everything that he has contributed to me, personally and to my career. And I will always be grateful for that.”

 

 

Nag-top trending topic nga si Liza sa social media noong mga nakaraang araw na kung saan tinawag siya ng kung anu-anong masasakit na salita

 

Kaya ang naging tugon niya tungkol dito, “I guess my video was really up for other people’s interpretation but I know my piece and I am very grateful.

 

“I’ve never felt to express that I feel like before, even before I decided to sign for a new management company, I was always there for everybody who has helped me along the way and my journey. And even before, the number one thing I would always say to everyone is thank you, truly grateful.

 

“And that has not changed until now. I’m not upset about anything, I’m just stating facts, things I’ve experienced, things I’ve been through. And how I am moving forward for that.”

 

Pwede pa rin daw siyang tawagin na “Liza” at ‘yun pa rin ang dadalhin niya na screen name.

 

Sa ngayon ay wala pang projects na naka-line up dito sa Manila, dahil nakatutok daw ang kanyang Careless team sa pagbuo ng kanyang career sa Hollywood.

 

Pero meron daw siyang hinahanda para sa natitirang Pinoy fans at ‘di bumitaw sa kabila ng kontrobersya, at malapit na itong ipalabas.

 

Nilinaw din ni Liza ang tsikang lilipat na siya sa Los Angeles for good. Dahil ang totoo, naghahanap lang siya ng matutuluyan tuwing nandoon siya para i-pursue ang kanyang Hollywood career.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • REGISTRATION PARA SA NATIONAL ID SYSTEM, SISIMULAN SA OKTUBRE 12 – PSA

    NAKATAKDANG simulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mass registration para sa National ID System sa darating na Oktubre 12.   Ito ay matapos na hindi natuloy ang mass registration noong Hulyo dahil sa COVID- 19 pandemic.   Sinabi ni PSA Asec. Rosalinda Bautista na prayoridad nila sa registration ang 5 million na low-income households […]

  • UAAP Season 85 kasado na!

    KASADO  na ang lahat para sa engrandeng pagbubukas ng University Athletic Association of the Phi­lippines (UAAP) Season 85 sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Matapos ang dalawang taong pagkagipit dahil sa pandemya, masisilayan na ng lubos ang pagbabalik ng lahat ng sports sa season na ito.     “Now, […]

  • NAVOTAS NAKAKUHA NG TOP MARK MULA SA COA

    SA anim na mgkakasunod na taon, nakamit ng Pamamahalang Lungsod ng Navotas ang pinakamaatas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA).     Ibinigay ng COA ang “unmodified opinion” sa presentation ng lungsod 2020 ng financial statements.     Ang Navotas ay nakatanggap ng parehong rating mula pa noong 2016, ang nag-iisang lokal […]