REGISTRATION PARA SA NATIONAL ID SYSTEM, SISIMULAN SA OKTUBRE 12 – PSA
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG simulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mass registration para sa National ID System sa darating na Oktubre 12.
Ito ay matapos na hindi natuloy ang mass registration noong Hulyo dahil sa COVID- 19 pandemic.
Sinabi ni PSA Asec. Rosalinda Bautista na prayoridad nila sa registration ang 5 million na low-income households mula sa listahan ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Baustista, magbabahay- bahay ang mga PSA personnel para kunin ang impormasyon ng mga pre-registrants.
Sa ganitong paraan aniya ay mapapabilis ang proseso dahil hindi na kailangan pang maghintay ng matagal ng mga pre-registrants kapag sila ay pupunta sa mga registration centers sa November 25 para naman sa kanilang biometric capture.
Tinukoy ni Bautista na karagdagang 4 million katao pa ang ise-schedule nila para sa registration.
Sa susunod na taon, target naman nilang maitala ang 45 million katao, at karagdagang 42 million pa sa 2022.
Nilinaw naman ng opisyal na libre ang registration at ID na ibibigay.
-
Eleazar sa mga kandidato, supporters: ‘Fake news iwaksi’
NANAWAGAN si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa lahat ng kapwa kandidato at kanilang mga supporter na tumulong sa pagtataas ng lebel ng political maturity ng mga Pilipino sa pamamagitan ng ‘di pagkakalat ng fake news laban sa mga katunggali. Ayon kay Eleazar, “toxic” o umabot na sa sukdulan ang batuhan ng […]
-
Makakasuhan kahit magkaayos at magkabalikan… KIT, kaya pa ring patawarin ni ANA sa kabila nang matinding pananakit
SA kabila nang matinding pasa, sakit at trauma dahil sa pambubugbog na diumano’y natamo ni Ana Jalandoni sa boyfriend na si Kit Thompson, nais pa rin daw niyang makausap ito at tahasan din sinabi na kaya pa rin niyang patawarin. Tila nagulat nga ang ilan sa press na nasa presscon ni Ana sa naging sagot […]
-
Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw sa edad na 61
Binawian na ng buhay si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos ang mga ulat na isinugod sa ospital ngayong Huwebes. Sinasabing sumasailalim si Aquino sa dialysis at nagpa-angioplasty. Meron din siyang diabetes at lung cancer, wika ng isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya. Si Aquino, na anak nina dating […]