• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos ang pagbisita ni PBBM sa Japan… Speaker Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa

SPEAKER Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Japan

 

 

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais magtatag ng negosyo sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Romualdez, ‘overwhelmed’ ang Pangulo dahil, hindi lang mga dati nang kumpanya ngunit may mga bago rin na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.

 

 

” So I don’t see why we won’t be getting a deluge or kumbaga tsunami talaga of investments and expansion of business opportunities,” wika ni Speaker Romualdez.

 

 

Patunay aniya dito ang 35 kasunduan at letters of intent na nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Ibinahagi rin ni Speaker, nasa 1,500 na Japanese business firms pa ang nais dumalo sa naturang pulong ngunit hindi na magkasya sa venue.

 

 

Dagdag pa ng House leader, nakatulong ang presensiya ng mga economic managers para masagot ang ilan sa katanungan ng potential Japanese investors at makuha ang kanilang tiwala.

 

 

“We met with various sectors in business community. And the whole length and breath of the industry. The President had engagements with them. He was fielding all questions on all their concerns, whether they be on tax issues, incentives, tariffs, anything that mattered. And we have the economic managers in tow. So they were immediately available to address these concerns, ” ani Romualdez.

 

 

Ibinunyag din ni Romualdez ang ulat mula sa Department of Finance at Department of Trade and Industry, na maraming Japanese businessmen ang nagpahayag ng interes na makilahok sa mga aktibidad ng Pangulong Marcos Jr., sa kanyang pagbisita sa bansang Japan.

 

 

Isa dito ang isang Japanese firm ang nakipag partner sa Aboitiz na magdadala ng mga bagong teknolohiya sa bansa para sa bagong power sources.

 

 

Nagpahayag din ang nasabing kumpanya na mag invest ng $1.5 billion sa energy sector ng bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • ‘Sonic the Hedgehog 2’, US Highest-Grossing Video Game Movie

    SONIC the Hedgehog 2 has become the highest-grossing video game film ever at the US box office, surpassing the original Sonic the Hedgehog film’s gross.     The sequel saw Ben Schwartz, Jim Carrey, James Marsden, and Tika Sumpter return to reprise their roles from the first film. The series is set to expand into television through Paramount’s Paramount+ […]

  • Pagpapasara sa POGOs maraming sektor ang maaapektuhan

    NAGBABALA si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).     Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at […]

  • Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno

    Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan.   Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]