• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno

Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan.

 

Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of the Philippines, Post Office at Bulwagang Rodriguez.

 

Maraming salamat po kay Mr. Norman Francis Juban Blanco, designer at painter na tubong Angono, Rizal, para sa pagdisenyo ng ating napakagandang Christmas Tree.

 

Maraming salamat din po sa Chooks-to-Go for turning over 100 packs of chicken na ipinamahagi natin kahapon sa mga nanood ng ating Christmas Tree Lighting ceremony.

 

Tuloy po ang kasiyahan ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila kahit po may pandemya. Ngunit paalala po, panatilihin po natin ang pagsunod sa public health protocols tulad ng pagsuot ng face masks at face shields, pati na rin ang paghuhugas ng kamay.

 

Maligayang Pasko po sa bawat Batang Maynila.

Manila, God First! (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Miami coach Erik Spoelstra kinuwestiyon ang COVID-19 protocols ng NBA

    Kinuwestiyon ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang COVID-19 protocols na ipinapatupad ng NBA.     Sinabi nito na dapat ang mga manlalaro na nagpositibo kahit na fully vaccinated at asymptomatic ay tratuhin din tulad ng taong positibo sa COVID-19.     Dagdag pa nito na halos lahat ng mga tao ay nabakunahan na at […]

  • Pinas ‘biggest recipient’ ng bakuna – WHO

    Ang Pilipinas umano ang pinakamalaking recipient ng bakuna buhat sa COVAX Facility dahil sa inaasahang pagtanggap ng kabuuang 4.5 milyon na AstraZeneca COVID-19 vaccines.     Sinabi ito ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng […]

  • Tatakbong pangulo? Pacquiao nagpaparamdam na

    Nagpatikim na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibleng pagtakbo nito sa Presidential Election sa susunod na taon.     Naglabas ng post si Pacquiao sa kanyang mga social media accounts kung saan ikinuwento nito ang kanyang naging karanasan.     Naging halimbawa nito ang kanyang sarili na dumaan sa matitinding pagsubok bago makamit […]