• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos hangaan at manalo sa ‘Firefly’: EUWENN, bibida naman sa teleseryeng ‘Forever Young’

BIDA na sa kanyang sariling teleserye ang 2023 MMFF Best Child Performer na si Euwenn Mikaell na ang titulo ay ‘Forever Young’.

 

 

Noong Lunes (February 5), nagkita-kita na ang cast ng ‘Forever Young” sa naganap nitong story conference at script reading. Kabilang sa cast sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.

 

 

Kuwento ito ng isang 25-year old na lalake na si Rambo na na-trap sa katawan ng isang 10-year old na bata na may rare medical condition na panhypopituitarism.

 

 

Ang sakit na ito ay kapag ang “pituitary gland stops making most or all hormones that help control the way many parts of the body work. Kabilang dito ay growth problems sa mga bata.

 

 

“Excited na excited ako kasi binigyan ako ng ganito kalaking project ng GMA kaya nagpapasalamat ako sa kanila,” sey ni Euwenn na hinangaan ng marami sa dahil sa pelikulang ‘Firefly’.

 

 

***

 

 

MAY personal ka bang karanasan o alam na nakakakilabot na kuwento ng kababaghan na sa tingin mo ay papasa at puwedeng isama sa upcoming “KMJS: Gabi ng Lagim: The Movie”?

 

 

Nakatakdang gawin ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang naturang pelikula, at tatlong kuwento ang puwedeng isama at mananalo ng tig-P20,000.00 kapag napili.

 

 

Kung may larawan o video na nakunan ng nakakakilabot na pangyayari, maaari itong ipadala sa www.gmanetwork.com/kmjsGabiNgLagimTheMovie.

 

 

Tatlong kuwento ang pipiliin ng mga opisyal mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs para maisama sa pelikula.

 

 

Ang pagpili batay sa sumusunod:

TOTOO BANG NAKAKATAKOT? 50%

Totoong kuwento, supernatural man o kuwentong bayan, na talaga namang nakakakilabot. Handang magpa-interview ang mga tauhan sa kuwento para patunayan ang makapanindig-balahibo nilang karanasan.

PAMPELIKULA BA? 30%

May nabubuong tensiyon at kaba. May potensiyal ang mga pangyayari na maikuwento sa pamamagitan ng dramatization. Mayroon ba itong akwal na video at larawan?

KAKAIBA BA? 20%

 

 

Unique at hindi pangkaraniwan ang kuwento ng katatakutan.

 

 

Ang deadline sa pagsusumite ng entries ay sa February 29, pagsapit ng 11:59 p.m.

 

 

Ang gagawing pelikula at pa-contest ay bahagi ng selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo ng multi-awarded docuseries.

 

 

Ang Gabi ng Lagim ay Halloween special ng KMJS na ginagawa taon-taon.

 

 

***

 

 

KINUMPIRMA ng Buckingham Palace na na-diagnose with cancer si King Charles III as sumasailalim na ito ng treatment.

 

 

One year and six months pa lang since umupo si King Charles III sa trono bilang kapalit ng yumaong so Queen Elizabeth II.

 

 

Nadiskubre ang cancer ng 75-year old sovereign noong dumaan ito sa isang procedure para ma-treat ang kanyang enlarged prostate sa isang London hospital.

 

 

Heto ang official statement ng palasyo:

“During the king’s recent hospital procedure for benign prostate enlargement, a separate issue of concern was noted.

 

 

“Subsequent diagnostic tests have identified a form of cancer. His Majesty has today commenced a schedule of regular treatments, during which time he has been advised by doctors to postpone public-facing duties. The king remains wholly positive about his treatment.”

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • Ads August 2, 2022

  • Big time oil price rollback, inaasahan naman next week – DOE

    INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) na sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng big time oil price rollback.     Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, hindi pa nila masabi sa ngayon kung magkano ang ibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.   […]

  • Tiangco brothers naguna sa NCR mayors, solons job performance rating

    NANGUNA si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa performing City Mayors sa National Capital Region (NCR), batay sa isinagawang independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).     Sa inilabas ng RPMD “Boses ng Bayan” Annual Report 2023, nakakuha si Mayor Tiangco ng 90.3% performance rating.     Nagpasalamat naman […]