• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos hulaan ng Korean fortune teller: GLAIZA, ima-manifest na magkaka-baby na sila ni DAVID next year

 

BALIK sa pagigiging kontrabida si Glydel Mercado sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na ‘Shining Inheritance’.

 

 

Matagal ding nagpahinga ang award-winning actress sa paggawa ng teleserye. Huli pa niyang nagawa ay ‘Artikulo 247’ noong 2022 pa.

 

 

Sa ‘Shining Inheritance’, gaganap siya bilang si Lani Vergara-Villarazon, ang madrasta na aapi kay Inna played by Kate Valdez.

 

First time makatrabaho ni Glydel ang mga young stars sa teleserye at bumilib siya sa husay ng mga ito.

 

“’Yung sa mga bagets naman dito, surprisingly, magagaling sila. Si Paul Salas kasi nakasama ko na siya before. Si Kate, siya ‘yung palagi kong nakaka-eksena. First time ko siyang naka-eksena pero may future, magaling ‘yung bata. Si Kyline, magaling din talaga and si Michael. May future sila, kaya keep it up,” papuri pa ni Glydel sa mga Sparkle stars

 

***

 

SA pamamagitan ng Saju reading o tradisyonal na Korean fortune telling, hinulaan si Glaiza de Castro na magkakaroon na sila ng mister niyang si David Rainey ng baby.

 

Ayon sa prediksyon ng Saju Master na si Park Seong-jun, malakas ang enerhiya na magkakaanak na si Glaiza at David bago matapos ang taon o sa susunod na taon.

 

“Parang feeling ko ‘di na this year kasi ang bilis ng oras. Parang it’s exciting lang to hear na parang nagma-match din naman siya sa plans namin ni David, so I think it’s just parang nakikita ko na positive thing din siya to hope and to believe na, ‘Uy, manifest natin sige. Mangyayari ‘yan,” sey ni Glaiza na gusto na girl ang maging panganay nila ni David.

 

Kinasal sina Glaiza at David Rainey sa isang tradisyonal na Irish wedding noong October 12, 2021 sa Northern Ireland. Nagkaroon naman ng second wedding na ginanap sa isang beach resort sa Botolan, Zambales noong January 23, 2023.

 

***

 

DECLARED na isang billionaire na si Selena Gomez!

 

Ayon sa Bloomberg: “The 32-year-old actress, singer, investor and entrepreneur just achieved the financial milestone thus making her one of the youngest self-made billionaires in the United States, which values her net worth at $1.3 billion.”

 

Malaking parte ng yaman ni Gomez ay mula sa kanyang brand partnership with Rare Beauty makeup line, Puma and Coach; pagiging actress/producer ng series na Only Murders in the Building; at ang kanyang pagiging singer for 15 years.

 

Matagal na ring social media influencer si Gomez with 424 million followers on Instagram.

 

Naging aktibo rin sa kanyang advocacy si Gomez via Rare Impact Fund na tumutulong sa mga taong may bipolar disorder. She raised $100 million for mental health services.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 60-anyos retirement age sa DepEd employees, isinulong

    PARA masuportahan ang pamahalaan sa plano na i-streamline ang burukrasya, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero ang panukalang gawing mandatory ang ­pagreretiro ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa edad na 60-anyos mula sa kasalukuyang 65 taong gulang.     Sa Senate Bill no. 58 o ang New Department Retirement Act na inihain ni […]

  • ‘The presidency of 2022 was mine already’

    Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na siya ang dahilan ng kaguluhan ngayon sa pulitika.       Tugon ito ni VP Sara kasunod ng sinabi ni Rep. Jay Khonghun na hindi mangyayari ang gulo ngayon sa pulitika kung hindi nangarap ang bise na maging pangulo nang maaga.     Giit ni Duterte, ang 2022 […]

  • Dacera case ‘not yet closed’, mga suspect ‘di pa lusot

    Suportado ng Malacañang ang naging desisyon ng Makati Prosecutor’s Office na nanawagan ng ‘further investigation’ sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, kasabay nang panawagan naman sa publiko na huwag gumawa ng mga espekulasyon sa kaso.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagsasagawa ng preliminary investigation ay makakatulong para malinawan […]