Matapos magbitiw ng nakakainsultong pahayag sa mga guro ukol sa education aid payout: Tulfo, nag- sorry
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-SORRY si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa mga guro dahil sa kanyang nakakainsultong pahayag sa mga ito kaugnay pa rin sa pamamahagi ng educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Humingi ng paumanhin si Tulfo sa grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC).
“Hihingi lang ho ako ng pasensya at paumanhin sa mga guro natin na nasaktan doon sa sinabi natin. Sinita tayo ng ACT Teachers party-list na hindi maganda ‘yung nasabi natin na pinagdududahan ang mga teachers natin doon sa pamimigay ng ayuda,” ani Tulfo.
“Hindi ganun eh. Ang sinabi ko ho ay baka mapag-isipan sila o maakusahan na namimili na dahil may mga kaanak,” dagdag na pahayag ng Kalihim.
Sa ulat, sinabi ni Tulfo na baka mayroon daw mga guro na papaboran ang mga estudyante sa pamamahagi ng educational assistance dahil kamag-anak nila ang mga ito.
“Baka maulit na naman na may pinaburan si teacher dahil pinsan niya ‘yung estudyante niya. Eh alam niyo naman po ‘yung mga teacher natin. Do’n lang nakatira sa paligid-ligid. Baka na naman ma-accuse na naman ho ang mga teacher. Kawawa naman,” ayon sa Kalihim.
Bilang tugon sinabi naman ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na iresponsable ang naging pahayag ng DSWD chief.
“Isa itong napaka-iresponsableng pahayag mula sa iresponsableng opisyal na utak ng palpak na sistema ng pamamahagi ng ayuda para sa mga estudyante. Sir, you cannot cover up your own failures by nitpicking on others. Huwag kami,” ani Quetua.
Samantala, para naman kay TDC National Chairperson Benjo Basas, napaka-unfair daw na i-generalize ni Tulfo ang mga guro sa pag-kuwestiyon sa kanyang integridad.
“Napaka-unfair na i-generalize ang mga guro dahil ito ay pagkuwestiyon na sa aming integridad,” ani Basas.
“Masakit marinig itong sinabi ni Sec. Tulfo, parang sinasabi niyang mandaraya ang mga guro at nagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak. Eh wala naman kaming kontrol sa mga programa na ‘yan kung sakali, we only facilitate and work based on the policies,” dagdag na pahayag ni Basas. (Daris Jose)
-
Mahigpit na seguridad ipapatupad ng PNP sa filing ng COC
Asahan ang mahigpit na seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula unang araw Oktubre 1 hanggang Oktubre 8. Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy upang mapigilan ang anumang banta. Ilan sa critical scenarios na […]
-
PBBM, pinag-iisipan na gayahin ang state-run mall ng Indonesia para sa Pinas
PINAG-IISIPAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng state-run malls sa PIlipinas. Layunin nito na i-promote ang micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) at lokal na produkto. Sumagi sa isipan ni Pangulong Marcos ang nasabing ideya matapos na bigyan siya ni Indonesian President Joko Widodo ng tour sa isang mall […]
-
PBA ikinalungkot ang muling pagkakasangkot sa gulo ni Amores
Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna. Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan. Tikom din ang bibig ni Marcial […]