• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos makuha suporta nina VICE GANDA at HEART: POKWANG, kasama na sa humahabang listahan para kay CHEL DIOKNO

IDINAGDAG ng komedyanteng si Marietta Subong, o mas kilala bilang Pokwang, ang kanyang pangalan sa humahabang listahan ng mga artistang sumusuporta kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.

 

 

Noong Martes, nag-tweet si Pokwang ng “Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto….”

 

 

Bilang tugon, nagkomento si Diokno ng “Naku po, chel ka lang @pokwang27, Maraming maraming salamat sa suporta.”

 

 

Sinabi naman ni Pokwang kay Diokno na isa siyang tagahanga nito, na sinagot naman ng human rights lawyer ng “I’m also a big fan of yours! My son Pepe speaks so highly of you!”, bilang pagtukoy sa kanyang anak, ang award-winning director na si Pepe Diokno.

 

 

“Waaaahhh I love him napakabuting tao. Maganda pagpapalaki nyo sa kanya @PepeDiokno,” tugon naman ni Pokwang.

 

 

Kamakailan, nakuha ni Diokno ang suporta ng ilang artista, kabilang sina TV host Vice Ganda at aktres na si Heart Evangelista. 

 

 

Nakisalamuha rin si Diokno sa iba pang artista at singer na sumusuporta sa kanya sa campaign kickoff sa Naga City, kabilang sina Rivermaya, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Agot Isidro at The Company.

 

 

Isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.

 

 

Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

 

 

Makatutulong ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang.

 

 

***

 

 

ANG tatlong anak ni Mayor Marcos Mamay ay ikinasal sa loob ng isang taon.

 

 

Ninang nila sa kasal si Ms. Imelda Papin na hindi naman nakadalo sa kasal. So, para mag-meet ang ninang at kanyang mga inaanak, dinala ng Mayor of Nunungan, Lanao del Norte ang kanyang tatlong anak sa Maynila.

 

 

It was through the invitation of Imelda na aming nakilala personally si Mayor Mamay, ang misis niya na si Katimuan Binasang Mamay, na head teacher ng isang school sa Nunungan at kanilang mga anak. The thanksgiving event was held last Sunday.

 

 

Ang eldest daughter nila na si Ainnah ay ikinasal kay Atty. Harry Sultan on April 3, 2021; ang second daughter nila na si Alliah got married to Hamzah Omar on July 19, 2021, while their youngest son Khalid married Amal Dimaporo on February 20, 2022. Both Khalid and Amal are 16 years old.

 

 

Sina Ainnah at Alliah ay parehong nasa dean’s list ng Xavier University (Ateneo de Cagayan), Cagayan de Oro City.

 

 

Hindi tayo dapat magtaka kung may mga Muslim boys and girls in their adolescent age na ikinakasal. Pwede kasi ito sa kanila. Hindi rin bawal sa kanila ‘yung “sukob” – yung hindi maaaring magpakasal within a year ang magkapatid.

 

 

Sa short open forum ay tinanong si Mayor Mamay kung aware sila sa GMA program na Legal Wives na tumalakay sa buhay ng mga Muslim at kung tama ba ng depiction ng serye sa buhay ng mga Muslim.

 

 

Ayon kay Mayor Mamay, tama raw ito dahil tiyak naman daw na may kinunsultang experts ang GMA tungkol sa mga Muslim. Hindi raw maaring magpalabas ng kahit about Muslim lives na hindi aprubado ng mga experts.

 

 

The gathering also serve as a surprise belated birthday party para kay Ms. Imelda Papin, na tumatakbong governor ng Camarines Sur.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PATAPE: Reinventing Education for Relevance and Quality

    THE Senate Committee Chairman for Basic Education, Honorable Senator Sherwin Gatchalian was the Keynote Speaker for this year’s Philippine Academy of Teachers, Administrators and Practitioners in Education (PATAPE) event as it organizes a privileged meeting with the theme, “PATAPE: Reinventing Education for Relevance and Quality” held last Saturday, August 27, 2022 at Novotel Manila Araneta […]

  • Ads January 28, 2021

  • Kaso vs Kapitan Roxas, Rosales sa Korte gumulong na

    ITINAKDA na nang korte ang ‘Arraignment and Pre-Trial’ ng kaso laban kina Brgy. Kaligayahan, Quezon City Chairman Alfredo “Freddy” Roxas at Admin Assistant Guillermo “Butch” Rosales sa darating na Agusto 28, 2024.   Naunang isinampa noong Oktubre 27, 2023 ni Marvin Miranda, dating kagawad at residente ng Brgy. Kaligayahan ang kaso sa Office of the […]