• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na isilang ang anak nila ni Dennis: JENNYLYN, agaw-eksena ang na-maintain na kaseksihan

AGAW-EKSENA ang kaseksihan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa media conference ng comeback series niyang ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Kapansin-pansin na na-maintain ni Jen ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak na si Dylan Jayde noong April 25, 202, na unang anak nila ng asawang si Dennis Trillo.

 

 

Ito ang unang beses ng aktres na humarap sa media matapos marahil ang tatlong taon. Maging sa social media, usap-usapan ang hubog ng katawan ni Jen na may suot na berdeng corset at skirt.

 

 

Ipinakita din niya sa media con ang kanyang bagong hairdo matapos magpa-hair extensions. Sa serye, maikli ang buhok ng aktres.

 

 

Karamihan sa mga komento ng netizens parang hindi raw nanganak ang 36-year-old Kapuso star dahil sa kanyang seksing pangangatawan.

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal si Claire Castro nang mapag-usapan ang pagdududa niya sa kanyang sarili dahil sa pambu-bully ng ilang basher online.

 

 

Pero natututo na siyang mahalin ang sarili at balewalain ang mga ito.

 

 

“To be honest po, I really don’t consider myself sexy. Because of the cyberbullies, sometimes I really doubt, ‘Sexy ba ako?’ ‘Kaya ko ba ito?’ ‘Kaya ko bang umarte?'” sey ni Claire.

 

 

Ibinahagi ni Claire na pinapayuhan siya ng kaniyang “Makiling” co-stars kung paano harapin ang bullying online.

 

 

“That’s what Myrtle (Sarrosa) always tells me, sina Royce (Cabrera), sina Tun (Kristoffer Martin), ‘Bakit ka nagbabasa ng comments?’ So I really have to lessen it because I feel like I care too much about what other people think. I see other people, ‘Bakit sila wala silang basher? Bakit ako lang lagi?’ ‘Yun po ang naiisip ko,” dagdag pa ni Claire.

 

 

***

 

 

NAKAPAGDESISYON na si Britney Spears na hindi na siya babalik sa music industry, kasabay ng pag-amin na naging ghostwriter siya for two years.

 

 

Pinabulaanan din ng former Teen Pop Princess na may mga kinuha siyang songwriters para sa 10th studio album niya.

 

 

“Just so we’re clear most of the news is trash !!! They keep saying l’m turning to random people to do a new album … I will never return to the music industry !!!

 

 

“When I write, I write for fun or I write for other people !!! l’ve written over 20 songs for other people the past two years !!! I’m a ghostwriter and I honestly enjoy it that way !!! I’m so LOVED and blessed !!!” post pa niya sa social media.

 

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa

    AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon.   Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]

  • Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

    Nagpasalamat si Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.     Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito […]

  • Muling gagawa ng history ‘pag siya ang top winner: TAYLOR SWIFT, pinakamaraming nominasyon sa ‘2023 MTV Video Music Awards’

    DAPAT nang maghanda sa isang maaksyong hapon ang mga Dabawenyong basketball enthusiasts dahil pupunta ang GMA Masterclass: The Sports Series sa Davao City today August 12 kasama ang PBA legend na si Jerry “Defense Minister” Codiñera.   Makakasama ni Jerry sa pagtuturo sa mga aspiring basketball players si Kurt Reyson ng Letran Knights. Thanks to GMA […]