• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na laitin na kamukha raw ni ‘Petrang Kabayo’… RHIAN, ang witty ng sagot sa basher na pinaghuhugas siya ng pinggan

ANG witty nang sagot ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa isang basher na nanglait sa kanya.

 

 

Sinabihan lang naman si Rhian na kilala ring commercial model, singer, at race car driver ng basher ng, “Lookalike ni petrang kabayo, maghugas ka nalang ng pinggan hayop.”

 

 

At sa halip na mainis sa pinagsasabi ng basher, na hindi yata alam na isa si Rhian sa kino-consider na one of the most beautiful actresses sa bansa, idinaan na lang niya ito sa isang IG post kasama ang short video na nakalagay na, “When haters inspires you,” na kung saan pinagbigyan niya ang hiling ng basher na maghugas ng pinggan, pero isang kawali ang hinugasan niya at may caption ang IG post niya na, ‘Madali akong kausap.”

 

 

Aliw na aliw naman ang netizens sa nakapanood ng kanyang short video, na kung saan pinakita ang kanyang kaseksihan at kagandahan:

 

 

“I find Rhian spontaneous and witty. Magaling na aktres din sya kasi natural umarte. Bagay sya sa romcom.”

 

 

“Ang ganda kaya ni Rhian. Patingin naman ng mukha basher baka mas maganda pa ingrown ni Rhian sayo.”

 

“Hays ineffortan nya pa yung comment ni basher. Need pa ba may patunayan Rhian?”

 

 

“Ang ganda nya at sexy na hindi bastusin.”

 

 

“Ngeh kahit sya may basher. She’s pretty kaya?”

 

 

“Nakita ko to sa personal mala supermodel ang dating.”

 

 

“Pang model talaga katawan nya.”

 

 

“Nakita kuna sya sa personal,mas nagagandahan ako sa kanya sa tv kesa sa personal.”

 

 

“Nakita ko na rin sya sa personal. Sa track, actually. Pawisan sya after the race, walang makeup, pagod. Pero ang ganda pa rin nya.”

 

 

“Ganda kaya ni rhian sa personal. Mas maganda sa personal actually super nkakastarstuck. Ang tisay at matangkad na slim.”

 

 

“hahahaha daming time pero pang inis lol.”

 

 

“Susme kung petrang kabayo yan eh ano ng-comment dumi lng.”

 

 

“Sa last frame ng videow, aakalin mo si Anne Curtis eh.”

 

 

“Mas may hawig sya kay Denise Laurel.”

 

 

“One of the most beautiful faces in showbiz kaya siya. I sometimes wonder if bashers are insecure, had a bad childhood or sadyang masama ugali.”

 

 

“I actually find it funny. Buti nga sa basher, grabe, Petrang Kabayo, dapat pinakita mukha ng basher na yan.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta

    PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively.     Pinakaunang serye naman ni Joem sa […]

  • Makeover sa Manila Bay gamit ang dolomite sand, matatapos

    TINIYAK ng Malakanyang na matatapos ang makeover ng Manila Bay gamit ang dinurog na dolomite sand sa kabila ng ulat na ang artificial sand na inilalagay ng pamahalaan ay nawa-washed out lang papuntang karagatan.   Ang environment department ay naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.   “The Bayanihan Law, which allows President Rodrigo Duterte […]

  • Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA

    TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito.     “All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr.  sa pinatawag na Zoom press conference […]