• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide

MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16.

 

Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.

 

Inanunsyo ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group kamakailan sa kanilang official social media accounts.

 

Maraming netizens na ang na-excite dahil matapos maging box-office hit sa Cinemalaya Film Festival noong Agosto ay mapapanood nang muli ang pelikula with its new cut.

 

Komento ng isang netizen: “Ay sa wakas dininig ang aming hiling, ok lang kahit matagal pa showing basta maipapalabas nationwide.”

 

***

 

NGAYONG Sabado, 12 p.m. sa Mall of Asia Arena, ang opening ceremony ng centennial season ng NCAA.

 

Bukod sa Kapuso artists na magbibigay-kulay sa programa, tiyak na inaabangan din ng kanilang fans ang performances nina SB19 member Justin at P-pop’s Female Alphas na G22.

 

Katuwang pa rin ang GMA Network bilang official broadcast partner, siguradong maraming inihandang sorpresa ang NCAA para sa “NCAA Siglo Uno: Inspiring Legacies Opening Ceremony.”

 

Magsisilbing hosts ng opening ceremony sina Sparkle stars Martin Javier, Lexi Gonzales, Michael Sager, at Faith da Silva. Tiyak maghahatid-saya naman sa kanyang kaabang-abang na

 

performance si Justin habang hindi dapat palagpasin ang pag-perform ng G22 sa NCAA Season 100 theme song na “Own the Future.”

 

Matapos ang opening ceremony, mag-uumpisa agad ang bakbakan sa Men’s Basketball. Sa Game 1, magsasagupaan ang LPU Pirates at Season 99 champion na San Beda Red Lions, 2:30 p.m.

 

Susunod naman ang Game 2 kung saan maglalaban ang Benilde Blazers at Mapua Cardinals, 5 p.m.

 

Abangan din ang telecasts ng opening ceremony sa GMA at Heart of Asia sa Linggo (September 8), 10:05 a.m.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Other News
  • Pati pangalan niya ay nagagamit para makapanloko: DINGDONG, naglabas na ng statement para magpaalala sa mga online scammers

    NAGLABAS si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and host ng game show na ‘Family Feud’ sa kanyang Instagram account ng “Statement on Online Scammers”.     “Maraming kababayan natin ang sumasali sa Guess to Win Promo ng Family Feud.  Nagpapasalamat kami sa walang sawa at patuloy ninyong pagtangkilik sa promo at sa ating programa.   […]

  • 2 kulong sa baril at P500K shabu sa Malabon

    SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng baril at mahigit kalahating milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Pierce Joshua Nicholas Pascual alyas “Pasky” […]

  • Bulacan, muling isinailalim sa MECQ

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kagyat na nagpatawag ng pulong si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang Inter-Agency Task Force matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling isasailalim ang Bulacan kasama ang iba pang lalawigan na nakapalibot sa National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4-18 dahil sa paglobo ng kaso […]