• January 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na sumailalim sa lung surgery… Vocalist ng Aegis na si MERCY, pumanaw na dahil sa cancer

PUMANAW na ang isa sa vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot dahil sa sakit na cancer.

 

Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa official Facebook page ng banda nitong Lunes ng umaga, ilang araw matapos humingi ng dasal si Mercy sa publiko para sa kaniyang paggaling.

 

“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest,” saad sa pahayag ng OPM band.

 

Ayon sa Aegis, ang tinig ni Mercy ay nagdulot ng “comfort, joy and strength to so many.”

 

“She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts,” dagdag ng banda.

 

“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed,” patuloy nito.

 

Si Mercy ay isa sa mga bokalista ng Aegis, kasama ang kaniyang mga kapatid na si Juliet at Stephanie.

 

Si Stephanie, nagpalit ng black and white na larawan ng kandilang may sindi sa kaniyang profile sa Facebook at Instagram matapos ianunsyo ang pagpanaw ni Mercy.

 

Nitong weekend, humingi ng panalangin sa publiko si Mercy para sa kaniyang paggaling matapos na sumailalim sa lung surgery.

 

Kabilang sa mga hit song ng Aegis “Sinta,” “Luha,” “Basang-basa sa Ulan,” at marami pang iba.

 

Paalam, salamat sa mga awitin, Mercy.

 

***

 

AGREE ang dalawang stars ng ‘Wicked’ na sina Ariana Grande at Cynthia Erivo na mahusay pagdating sa kantahan ang mga Pinoy.

 

“Filipinos are the best singers in the world. Honestly, they have the best voices, too,” sey ni Ariana na dalawang beses nang nag-concert sa Pilipinas in 2015 and 2017.

 

Napanood nila ang isang video kunsaan effortless na inawit ng dalawang Filipino singers ang “Defying Gravity” mula sa Broadway musical na Wicked.

 

Nasabi lang ni Cynthia ay: “That’s amazing, that’s gorgeous, wow!”

 

Dagdag pa ni Ariana na very warm, loving and caring ang mga Pinoy at looking forward siya na ma-meet ulit ang kanyang Pinoy fans soon.

 

Si Cynthia naman daw ay gustong mabisita ang Pilipinas dahil may nagsabi sa kanya na masasarap ang pagkain dito at magaganda ang mga beaches.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘May batas po’: Maynila walang kukunsintihin sa smuggled COVID-19 vaccine use

    Kahit kaliwa’t kanan na ang mga matataas na opisyal ng gobyernong ipinagtatanggol ang paggamit ng hindi rehistradong mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Maynila kinakailangan ang otorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito iturok ninuman.     “Bawal na bawal yan. Walang presidente, walang mayor, walang senador […]

  • ‘Di maitanggi na naninabago sa ka-loveteam: SOFIA, na-shock nang maka-eksena si ALLEN na naka-topless

    HINDI maitanggi ni Sofia Pablo na naninabago siya sa ka-loveteam na si Allen Ansay nang makita itong mag-topless sa isa sa mga eksena nila para sa Afternoon Prime series na ‘Prinsesa ng City Jail.’ Isa sa mga eksena na ipinakita sa trailer ng naturang serye ay ang pagkalunod ng karakter ni Sofia na si Princess sa swimming pool.  […]

  • SOLENN, sincere na nag-apologize matapos ma-bash; hindi intensyon na maka-offend

    NAG-APOLOGIZE na si Solenn Heussaff matapos na ma-bash ng netizens dahil sa ipinost niyang photo sa social media para i-promote ang kanyang art exhibit na may titulong ‘Kundiman’.     Deleted na ang naturang IG post ng Kapuso actress/host na kung saan nakaupo siya sa wooden chair at nasa ilalim nito ang kanyang ginawang bonggang […]