• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos tanggalin ang PNP security detail: VP Sara, humingi ng proteksyon para sa kanyang pamilya

KASUNOD nang pagtanggal sa 75 pulis na itinalaga sa kanyang security detail, nanawagan si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga supporters at kaalyado sa Senado na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

 

 

 

 

Ang panawagan ni Duterte ay matapos na hikayatin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel “who are good at unarmed combat and volunteering” na magbigay ng karagdagang security para kay VP Sara.

 

 

Gayunman, sinabi ni VP Sara na walang dapat na ikabahala ang mga ito sa kanya, at sa halip ay bigyan ng proteksyon ang kanyang ina, asawa at apat na anak.

 

 

“Huwag kayong mag-alala sa akin. At hindi ninyo kailangan mag-ambag ng pera para sa security ko. Ang pagtatrabaho sa pamahalaan ay pag-alay ng buhay para sa bayan. Alam nating lahat na bahagi ito ng serbisyo,” ayon kay VP Sara.

 

 

“Isa lang ang hiling ko sa inyo—ang kaligtasan ng aking pamilya. Huwag ninyong payagan ang anumang karahasan sa aking ina, asawa at apat na anak, personal man o sa internet. At kung sakali man, huwag ninyong palampasin ang sinumang gagawa ng kapahamakan laban sa kanila,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, binatikos ni VP Sara si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasunod ng kautusan ng huli na alisin ang 75 pulis na nakatalaga sa kaniya na magbigay ng proteksiyon.

 

 

Sa open letter ni Duterte kay Marbil, sinabi ng pangalawang pangulo na inalis ang ilang tauhan ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG) na nakatalaga sa kaniya nang magbitiw siya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), at paglabas ng video ng kahawig umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tila may sininghot na pulbos.

 

 

“Ang relief ng mga PNP personnel ay dumating pagkatapos ko mag-resign sa DepEd, pagkatapos ko inihambing ang SONA sa isang catastrophic event, at pagkatapos lumabas ang cocaine video,” ayon kay Duterte.

 

 

“Let us spare our people from all the lies. Let us call it what it is — a clear case of political harassment,” dagdag niya.

 

 

Ayon pa kay Duterte, pinagkakatiwalaan niya ang mga inalis na pulis dahil ilan sa kanila ay nagbigay din ng seguridad sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula noong 2016, habang ang iba naman ay security detail na niya mula pa noong 2007.

 

 

“It was obviously a targeted list and a targeted maneuver — nothing else,” sabi pa ng pangalawang pangulo.

 

 

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na 75 tauhan ng PSPG na nakatalaga sa kaniya na security detail ay inalis sa utos ni Marbil noong July 22.

 

 

Samantala, iginiit ni VP Sara na ang pagtanggal sa security personnel ay naglagay sa kanyang pamilya sa panganib.

 

 

“Ano ba ang ibig sabihin ng ‘threat’ sa iyo? Ang banta ba ay maaari lamang magmula sa mga external elements? Hindi na ba ‘threat’ kung ang harassment ay nanggagaling mismo sa mga tauhan ng gobyerno?” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Tinodo na ang pagsabog ng mga hinaing: POKWANG, mukhang umasang babalikan ni LEE at bubuuin pa rin ang pamilya

    HINDI pala kami nagkamali ng aming opinyon sa nangyayari ngayon kay Pokwang.      Kung bakit ngayon siya parang bulkang biglang sumabog.  As in, ‘yung pananahimik niya ng matagal noon sa paghihiwalay nila ni Lee O’ Brian, tinodo naman ni Pokwang ang pagsabog ng mga hinaing niya.     Sana nga ay totoo sa sinabi niyang […]

  • College graduates, hindi lang para kumita kundi para mabuhay ng matagal- Recto

    SINABI ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang ‘college diploma’ ay hindi lamang isang piraso ng papel dahil maaari itong makadagdag ng pitong taon sa pag-asang mabuhay. Aniya, nakatutulong ang higher education na mapahusay ang mahabang buhay at overall well-being at karagdagan sa financial rewards nito. Sa kamakailan lamang na naging talumpati ni Recto […]

  • HALOS 1K DRIVER’S LICENSES NG MGA “PASAWAY” NA MOTORISTA NI-REVOKED NG LTO SA TAONG 2024

    HALOS 1,000 driver’s licenses ng mga “Pasaway” na motorista ang ni-revoked ng Land Transportation Office (LTO) sa 2024 dahil sa iba’t ibang paglabag, karamihan dito ay kaugnay ng pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.   Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, kabilang sa mga binawing lisensya ang sa mga […]