• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos tanggihan ng manager ang ‘Feng Shui’: JUDY ANN, twenty years ang hinintay para makatrabaho si Direk CHITO

VERY excited si Judy Ann Santos dahil sa wakas ay natuloy na ang pagsasama nila ng direktor na si Chito Roño sa isang horror film.

 

Dalampung taong hinintay ni Juday ang pagkakataong maidirek siya ni direk Chito sa isang horror film, naudlot ang tsansa noong 2004 dahil tinanggihan ni tito Alfie Lorenzo, ang namayapang manager ni Judy Ann, ang blockbuster horror flm na ‘Feng Shui’ na eventually ay napunta kay Kris Aquino.

 

At fast forward ngayong 2024, may pamagat na ‘Espantaho’, sa malayo at historical na lugar ng Mexico sa Pampanga ang shoot ng naturang pelikula nina Juday at direk Chito.

 

At tiyak na bargadulan ang pelikula dahil ang kasama ni Juday sa movie ay ang isa pang napakahusay na aktres, walang iba kundi ang Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino.

 

At hindi lamang iyan, nasa pelikula rin ang equally-talented actresses na sina Janice de Belen at Ms. Chanda Romero, with JC Santos and Nico Antonio.

 

Hands-on at aligaga at palaging nasa set ng shooting ang lady producer na si Attorney Joji Alonso ng Quantum films na laging may dalang mga kung anu-anong pagkain sa set para sa mga artista ng pelikula.

 

Napanood na namin ng personal ang ilang mga heavy dramatic scenes ng pelikula at wala kang itulak-kabigin sa napakahuhusay sa aktingan nina Juday, LT, Chanda at Janice.

 

Siyempre kasi, kahit na nga horror film ang ‘Espantaho’, hindi mawawala ang dramatic moments sa pelikula lalo pa nga at ang mga female cast members ay puro multi-awarded actresses.

 

***

 

HINDI pa talaga matatapos ang usapin ng sexual harassment na may kaakibat na indecent proposal sa showbiz, partikular na sa mga lalaking artista.

 

Laging natatanong ang mga guwapo at hunk male stars tungkol dito lalo pa at sila ang lapitin ng ganitong sitwasyon.

 

 

Tulad na lamang ng dalawang Vivamax actors na sina Mon Mendoza at Calvin Reyes na mga bida sa ‘F Buddies’.

 

 

Nakakaloka kung sumagot ang dalawa, lalo na si Mon na matapang at mapangahas magbitiw ng salita, nagbibiro man o hindi.

 

 

Sa tanong kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may natanggap siyang indecent proposal ang sagot nito ay, “Kung sakaling meron, baka pumayag ako!”

 

 

Pero sinundan ito ni Mon ng “Joke lang po.!

 

 

“Kasi kumbaga, nasa sa iyo naman po yun kung papayag ko o hindi.

 

 

“Pero mas masarap na maranasan yung tagumpay kung galing ka sa ibaba. Yung paghihirapan mo po muna talaga.”

 

 

What if bongga ang offer, malaking halaga ng pera, o condo unit o kotse kapalit ang katawan ni Mon?

 

 

“Kahit tempting, pero siyempre magdadalawang-isip ako,” deretsahang sagot ni Mon.

 

 

“Kasi paano po kung maganda yung offer, di ba? “Hihiga ka lang naman.”

 

 

Kaloka siya di ba, at least honest si Mon.

 

 

Matindi rin ang sagot niya sa tanong kung naniniwala ba siya sa kasabihang ‘lalaki naman kaya walang mawawala’?

 

 

“Naniniwala po ako, huwag ka lang po sigurong matitira sa puwet,” ang nakakabaliw pa rin sagot ni Mon na ikinatuwa namin. Charot!

 

 

Si Calvin naman honest ring ibinulgar na may mga natatanggap siyang mensahe lalo pa noong napapanood na siya s amga sexy projects ng Vivamax.

 

 

Aniya, “May mga nagme-message po na ganito, ganyan na offer.”

 

 

Wala raw tinatanggap o sinasagot si Calvin sa mga nag-aalok sa kanya.

 

 

“Pero kapag dumating na po ako sa point na kailangan na po siguro, papasukin ko na rin po siguro, kapag kailangang-kailangan na ng pamilya ko. Para sa pamilya ko.”

 

 

Mabuting anak si Calvin.

 

 

Anyways, napapanood na via streaming ang ‘F Buddies’ ng Vivamax kung saan bidang mga babae naman sina Candy Veloso at Denise Esteban, sa direksyon ni Sid Pascua at panulat ni Quinn Carillo.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • ‘Fan Girl’ humakot ng awards sa 2020 MMFF awards

    Humakot ng awards ang pelikulang “Fan Girl” sa 2020 Metro Manila Film Festival awards.   Nakuha nito ang Best Picture, Best Sound, Best Cinematography, Best Editing, Best Screenplay, Best Director, Best Actor sa pamamagitan Paulo Avelino at Best Actress si Charlie Dizon.   Ang pelikula na gawa ni Direk Antoinette Jadaone ay tungkol sa isang […]

  • Navotas LGU humakot ng maraming awards

    HUMAKOT ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng maraming parangal mula sa iba’t ibang ahensya bilang pagkilala sa mga natatanging tagumpay nito sa iba’t ibang kategorya.     “These commendations attest to our dedication to delivering the best services for the benefit of Navoteños. We are grateful and honored that our efforts have been acknowledged. We […]

  • Fund raising ng Muaythai Association of the Ph, pandagdag sa budget ng national athletes

    Aktibong nagpa-fund raising ang Muaythai Association of the Philippines para maidagdag na tulong sa national athletes kasunod ng pagbawas ng 50% sa budget ng mga ito.   Sa interview kay Asst. Sec. Gen. Francis Amandy ng Philippine Muaythai, sinabi niyang nag o-online selling sila at online tutorial kung saan ang lahat ng kinikita ay binibigay […]