Matatanda, PWDs isama sa rekomendasyon na pagbibigyan ng executive clemency
- Published on December 23, 2023
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na ikunsidera ang pagbibigay prayoridad sa mga matatanda, may sakit at persons with disabilities (PWDs) sa pagrerekomenda nang pagbibigyan ng executive clemency sa mga bilanggo ngayong panahon ng kaaskuhan.
Ginawa ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panawagan kasabay nang pagbibigay suporta sa inisyatibo ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na paluwagin ang mga bilangguan sa pamamagitan nang pagrekomenda sa pangulo nang pagbibigay ng executive clemency sa nasa 1,500 persons deprived of liberty (PDLs).
Ang mga kuwalipikadong PDLs ay inirekomendang bigyan ng clemency ng Board of Pardons and Parole (BPP), isang ahensiyang nasa ilalim ng DOJ.
Pinapurihan din ng mambabatas ang DOJ’S Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ni Director General Gregorio Catapang Jr. Ra sa ginawa nitong pasilidad para sa pagpapalaya ng mahigit 11,000 PDLs simula ng administration ng Panuglong Marcos bilang bahagi na rin ng jail decongestion program ng gobyerno.
“We urge the DOJ and the BPP to consider giving priority to elderly, frail PDLs and those suffering from critical illnesses and disabilities in recommending the grant of executive clemency to President Marcos,” ani Yamsuan .
Umaasa naman ito na pagbibigyan ng pangulo ang nasabing rekomendasyon.
Sa ilalim ng revised rules and regulations ng BPP, ang executive clemency ay ang “reprieve, absolute pardon, conditional pardon with or without parole conditions and commutation of sentence as may be granted by the President of the Philippines.”
Kumpiyansa din si Yamsuan na bibigyang prayoridad ng BPP ang matatanda, may sakit at mahihina nang PDLs kasunod nang pagpapalabas ng Board Resolution OT-08-02-2023.
Ayon kay DOJ Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, nakasaad sa resolusyon na ang mga “PDLs who are 70 years old and, even if they are considered high-risk, if they have already served 10 years of their sentence, shall now be considered for executive clemency specially if they are suffering from old age, being sickly, or terminal or life threatening illnesses or other serious disability.”
Nangangahuluhan na marami pang matatanda, critically ill PDLs ay maaaring mabigyan ng executive clemency dahil sa ibinaba na ang period ng mandatory minimum sentence service sa 10 taon mula sa 15 taon. (Ara Romero)
-
Newsome lider na sa Bolts
MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9. Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting guard/forward ng Meralco. […]
-
PDu30, inatasan ang DILG na maging bahagi ng supervisory team sa point to point delivery ng maselang bakuna gaya ng Pfizer
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer ay huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay idiretso na agad […]
-
Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA
NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas. Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa […]