• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Maternity leave’ scam, iniimbestigahan ng DepEd

BUMUO  na ang Department of Education ng isang fact-finding committee para busisiin ang umano’y ano­malya sa maternity leave na nai-file ng mga guro ng may 11 beses sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesman ng DepEd, ang fact-finding committee ay kabibilangan ng mga DepEd officials sa regional offices at hindi ng schools division offices para matiyak ang patas na imbestigasyon.

 

 

Aniya, unang susuriin ng komite ang records ng umano’y nag-file ng maternity leaves at aalamin kung ang guro ay totoong nagbuntis at nanganak sa naturang mga taon.

 

 

Hinikayat naman ni Poa ang mga indibidwal na may alam sa anomalya na maki­pagtulungan sa komite para mapatotohanan ang bintang kaugnay ng scam.

 

 

“We want to know if this is an isolated case or if it is widespread,” sabi ni Poa.

 

 

Ayon kay DepEd-TAPAT Curriculum Implementation  Division Chief Dr. Ellery Quintia, may dokumento sila na may isang guro ang tumanggap ng P35,000 hanggang  P61,000 mula 2016 hanggang 2019 nang mag-file ng maternity leaves sa naturang mga panahon.

 

 

Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law na nalagdaan noong 2019, ang mga babaeng manggagawa sa public sector kasama ang mga public school teachers ay qualified na magkaroon ng maternity leave  na 105 araw na may sahod. (Daris Jose)

Other News
  • Ban sa marijuana alisin, parang kape lang – Durant

    KUNG si Brooklyn Nets star Kevin Durant ang tatanungin, ang paghithit ng marijuana ay kaparehas lang ng pag-inom ng kape.   Kaya naman dapat aniya ay tanggalin na ito sa banned substance list ng NBA, dahil hindi naman umano ito nakakasama sa kahit sino.   “Everybody on my team drinks coffee every day. Taking caffeine […]

  • Inamin ng ka-loveteam na totoong nagkarelasyon sila: SETH, pinasalamatan ni ANDREA sa pagdepensa sa kanila ni RICCI

    NAGSALITA na si Andrea Brillantes sa pamamagitan ng kanyang Instagram Live sa mga isyu sa kanilang tatlo nina Seth Fedelin at Francine Diaz.     Nagpauna naman ito na binabasa niyang talaga ang statement niya para raw wala siyang makakalimutan.     Sinimulan ni Andrea sa pasasalamat kay Seth dahil sa ginawang pagdepensa sa kanya, […]

  • KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

    INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.     Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.   […]