‘Matigas talaga ulo ko’: Paalam sure medal winner na sa Olympics kahit na-headbutt
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
Siguradong makapag-uuwi ng medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics ang isa pang Pinoy na atleta — sa pagkakataong ito, sa larangan ulit ng boksing.
Natalo kasi ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang reigning Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov (Uzbekistan), dahilan para dumiretso siya sa semifinals sa Huwebes. Dahil dito, bronze ang pinakamababang pwedeng makuha ni Paalam.
‘Di sadyang nagkaumpugan sila ni Zoirov habang nasa quarterfinals, pero okey lang daw ‘yan, matigas naman daw ang ulo niya na isa sa mga dahilan kung bakit ihininto ang laban.
“Umi-istraight ako ng tiyan eh kasi tinatarget ko yung body niya. Kasi magaling siya sa ulo magmove,” sabi niya sa panayam ng One Sports pagkatapos ng bakbakan.
“So [yung katawan] yung part na suntukin ko, ayun nagkasalungat kami. Kasi umi-straight din siya… Matigas lang talaga ulo ko nasugatan siya sa ulo.”
Parehong duguan ang dalawa matapos ang accidental headbutt.
Kahit itinigil ang laban at may 1:16 pang natitira noong round two, sapat ang puntos na naibigay sa kanya ng apat na hurado para maipanalo ang laban.
-
Hall of Famers, sinala ng PSC
INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City. Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino […]
-
TWG binuo para balangkasin ang “Sagip Kolehiyo Act”
Pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Resolution 1380 na iniakda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles. Layon ng resolusyon na hilingin sa komite na hikayatin ang pagsasanay ng mas maraming Pilinong siyentista at dalubhasa sa ibang bansa. Sinabi ni Dr. Ben Macatangay, kinatawan mula sa […]
-
Lalaki kalaboso sa pagpapaputok ng baril sa Valenzuela
LAGLAG sa selda ang isang lalaki matapos damputin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagpapaputok ng baril sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Sa ulat ni Police Sub-Station (SS5) Commander P/Capt. Robin Santos kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen at inireport sa kanila ang […]