MAUI, binalikan ang naging experience noong makatrabaho ang Oscar winning Korean actress na si YOUN YUH-JUNG
- Published on May 3, 2021
- by @peoplesbalita
BINALIKAN ni Maui Taylor ang naging experience niya noong makatrabaho ang veteran Korean actress na si Youn Yuh-jung na nanalo bilang best supporting actress sa nakaraang Oscar Awards.
Nakatrabaho ng dating Viva Hot Babes so Youn sa 2012 South Korean film na The Taste Of Money. Maid ang role ni Maui na nagkaroon ng illicit affair sa amo niyang lalake na mister ni Youn.
Ginawa ni Maui ang naturang movie noong pasimula pa lang ang hilig ng mga Pinoy sa K-dramas at K-movies.
Apat na buwan na ginawa ni Maui ang Taste of Money sa South Korea. Bumagay si Maui sa role niya dahil mukha raw siyang Korean at pati ang kutis daw niya ay hindi nalalayo sa kutis ng mga Koreans.
Hindi naman daw nahirapan na makipag-communicate si Maui noon dahil halos lahat daw sa set ay nagsasalita at nakakaintindi ng ingles.
‘Di naman daw niya malilimutan ang unang eksena niya with Youn. Ang scene ay sasakalin siya ni Youn at nagdalawang isip pa raw ito dahil baka masaktan niya si Maui.
Doon lang daw nakausap ni Maui ang future Oscar winner dahil naunahan daw ng hiya noong pinakilala siya rito. May kanya-kanya raw kasi silang trailer sa set kaya walang chance na makaluwentuhan sila.
Noong gawin daw nila yung choking scene, nagbiro pa raw si Youn para mawala ang kaba ni Maui sa eksena nila.
***
KABILANG si Keempee de Leon sa cast ng Bagong Umaga na nagkaroon ng COVID-19.
Nagkahawaan daw sa set nila kaya pati sina Sunshine Cruz, Tony Labrusca, Nikki Valdez at Heaven Peralejo ay nagkaroon ng kanya-kanyang isolation.
Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Keempee sa Diyos at sa kanyang pamilya na hindi siya pinabayaan. Inamin niyang natakot siya sa nakuha niyang sakit dahil hindi raw niya alam ang gagawin niya.
“Thank you Heavenly Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ for being Faithful and for being there for me for hearing my prayers every single day when i was so scared and thinking what’s going to happen to me the next day.
“Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ thank you for Healing me and for my BU Fam for supporting me when i got sick last month from Covid.
“Thank you Lord for Recovering me for Healing me till i get well and get back to work. Thank you for Covering me with your Precious Blood Your my Healer Thank you Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ! I owe you everything especially My Life Amen.”
Thankful din si Keempee na may naghihintay na trabaho sa kanya noong maka-recover siya sa COVID-19.
***
NAGBIGAY ng sisterly advice si Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida sa kakatawanan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.
Aware si Ariella na nakakatanggap ng ‘di magagandang comments si Rabiya sa social media. Pinagdaanan din daw niya iyan noong siya ang Miss Philippines.
“It’s hard to please everybody. Maniwala ka na nand’yan ka, pinili ka, at nakitaan ka namin na you can carry the flag. Represent the Philippines the best way you can,” sey ni Ariella na umupong judge sa preliminary competition ng 2020 Miss Universe Philippines.
Full support din ang ka-batch ni Rabiya sa MUP 2020 na si Billie Hackenson na naging 4th runner-up.
“Nakikita ko kapag uuwi na siya, tapos pagod na pagod na siya from training, ‘yung drive niya talaga nandoon. Sobrang motivated siya to bring our fifth crown.
“Biyang, you know that the whole Philippines is rallying behind you. I know that you can bring the fifth crown to the Philippines,” sey ni Billie.
-
Romano, 3 pabibo sa LGBA series
WALANG pang bahid ang kartada (3-0) ng apat na sabungero sa pagbubukas ng 2020 Luzon Gamecock Breeder Association Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit. Mga miyembro naman ng LGBA ang pupupog sa round two sa darating na Biyernes, Pebrero 21 samantalang sa Pebrero 28 ang grand finals ng pasabong […]
-
Taxi group humihingi ng P20 hike sa flagdown rate
SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong gasolina, ang mga taxi drivers at operators ay humihingi ng P20 hike sa flagdown rate. Ayon kay president ng Philippine National Taxi Operators Association Bong Suntay sila ay umaapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan na magtaas ang minimum na […]
-
JESSICA, inaalala ang magiging buhay ng mga taga-Afghanistan dahil sa Taliban; di na mabubura ang nasaksihan noong 2002
NEVER daw mabubura sa isipan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang mga nasaksihan niya sa Afghanistan nang mag-cover siya rito noong 2002. Nagiging emosyal si Soho tuwing maaalala niya ang pagsabog ng isang ambulansiya na malapit lang sa kanilang kinatatayuan. Nang panahong iyon, nakontrol na ng mga sundalong Amerikano at […]