• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Romano, 3 pabibo sa LGBA series

WALANG pang bahid ang kartada (3-0) ng apat na sabungero sa pagbubukas ng 2020 Luzon Gamecock Breeder Association Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit.

 

Mga miyembro naman ng LGBA ang pupupog sa round two sa darating na Biyernes, Pebrero 21 samantalang sa Pebrero 28 ang grand finals ng pasabong na ito.

 

Ipinahayag nitong Linggo ni LGBA president Nick Crisostomo, na isang seven-cock derby ang opening leg na mga inaayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Namamayagpag sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Hector Magpantay ng Hammer Dewormer, Boy Tanyag ng CRB at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores/ ng Team Jared Guadalupe.

 

Humihinga sa batok nila sa 2.5 pts. ang RM San Vicente entry at may 2.0 markers naman sina Tony Antonio, Joseph Chua, Rey Magbuhos, Jimmy Junsay, Jimmy Gosiaco, Jun Sevilla, Doc Ayong Lorenzo, KMC brothers, Wilson Go, Bok de Jesus, Gerry Escalona at Rep. JB Bernos.

 

Makipag-ugnayan kina Erica at Ace sa 0945 4917474, 0939 4724206, 8843 1746 at sa 8816 6750 para sa iba pang mga detalye. (REC)

Other News
  • PDu30, pinasisigurong kasama ang pamilya ng mga pulis at sundalo na nakatakdang tumanggap ng bakuna

    PINASISIGURO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Carlito Galvez Jr na pati pamilya ng mga pulis at militar ay makikinabang sa nakatakdang pagbabakuna para sa mga nasa A4 category.   Sinabi ng Pangulo na dapat lang na mabigyan din ng kaparehong prayoridad ang pamilya ng mga kawal at miyembro ng PNP na noon […]

  • MEDICAL MARIJUANA – MALINAW SA MARAMI, MALABO SA IILAN.

    MAGSASAMPUNG taon na ang adbokasiya para sa legal na paggamit ng medical marijuana dito sa Pilipinas ngunit marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa benepisyo nito.     Milyun-milyong pasyente bawat taon ang natutulungan nito sa maraming bansa, ngunit hindi pa rin malinaw para sa ilan sa Pilipinas ang isyu sa bagay na […]

  • LTFRB: walang matrix, walang fare hike

    KAILANGAN ng mga public utility vehicles (PUVs) ang kumuha muna ng fare matrix mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe.       Mula sa datos ng LTFRB noong Huwebes, may 30,183 na PUVs ang naghain ng kanilang applications para sa bagong fare matrix na […]