Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors
- Published on May 27, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists para igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Golden State Warriors at makaiwas mawalis sa Western Conference finals.
Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kanyang 14 games sa postseason para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng Golden State.
“Just got to finish the game. A win is a win,” sabi ni Doncic na may masamang 10-of-26 fieldgoal shooting.
Nagdagdag si Dorian Finney-Smith ng 23 points at may 18 markers si Reggie Bullock na lahat ay galing sa three-point line.
May 15 points si Jalen Brunson, habang may 13 at 10 markers sina Maxi Kleber at Spencer Dinwiddie, ayon sa pagkakasunod.
Nagsalpak ang Mavericks ng 20 triples para tapusin ang tatlong sunod na kabiguan sa Warriors sa serye.
Nakatakda ang Game Five sa San Francisco.
Umiskor si star guard Stephen Curry ng 20 points para sa Golden State na nakadikit sa 102-110 agwat matapos magtayo ang Dallas ng 29-point lead.
Ngunit hindi na muling nakalapit ang Warriors.
“Just made the decision to see if we could pull off a miracle, but it wasn’t meant to be,” sabi ni coach Steve Kerr sa kanyang tropa.
Ang dunk ni Doncic at ang ikaanim na tres ni Bullock ang muling naglayo sa Mavericks sa 115-102.
Wala pang NBA team na nakabangon mula sa 0-3 deficit at naipanalo ang serye.
Isang beses lang nawalis ang Dallas sa kanilang 34 best-of-seven series.
Ito ay nang dominahin ng Oklahoma City Thunder ang Mavericks sa first round ng 2012 playoffs.
-
PDu30 at Sec. Locsin, walang namamagitang away
TINIYAK ng Malakanyang na magkasundo at walang away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil lamang sa magiging rekumendasyon ng huli na ikansela ang lahat ng kontrata ng mga Chinese firm na nasa likod ng militarisasyon sa South China Sea. Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque […]
-
P576K halaga ng marijuana nasabat sa Malabon, 4 timbog
SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Prea Enate, 21, […]
-
Malakanyang, pinuri ang local coast guard personnel sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan
PINURI ng Malakanyang ang local coast guard personnel para sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship na namataan sa katubigan ng bansa. “Congratulations po sa ating magigiting na PCG (Philippine Coast Guard),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “I’m sure in due course you will be given the proper recognition that you deserve. […]